SA RESTAURANT ng hotel sila nagdinner. Tahimik sila pareho na tila nagpapakiramdaman lang. Dama niyang may gustong itago sa kanya si Kara. Aksidenting nakita niya ang nagpop-up na massage sa phone nito kanina. Nang pumasok ito nang banyo. Iyong loves ang nagmessage at sinabing 'Mommy, we bought baseball bat!' halos fifteen minutes itong nawala kanina pagkatapos lumabas para makipag-usap sa loves nito sa phone. "But why the hell Mommy?" wala sa sarili niyang usal. "Ano? Anak ba kita?" salubong ang kilay na sikmat nito na nabitin pa sa ere ang tinidor na patungo sa bibig sana nito. Natigilan siya nang mapadako ang kanyang mata sa labi ni Kara. Kumibot pa ang labi nitong binasa ng dila. Lihim siyang napamura. Gustong-gusto niyang dumukwang upang halikan ang mapang-akit na labi nang asawa.

