Kabanata 42 - Nahuhulog Ako KANINA pa pansin ni Alexa na patingin-tingin sa kanya si Janice. Parang may gusto itong sabihin na hindi niya alam. Nasa pagawaan sila ng invitation at matyagang naghintay. It's been an hour and everything was all set. Magse-seminar sila sa Biyernes ng alas dos para sa binyag sa Linggo. "May gusto ka pa ba, Janice?" Tanong niya sa matalik na kaibigan. Wala itong tigil sa pagsasayaw sa inaantok na anak, habang siya naman ay nakaupo sa isang solohang sofa. Nasa digital art creator silang dalawa at ang nakalagay lang sa imbitasyon na ninong at ninang ay sila ni Aslan. She was also inviting her friends from Manila to come. Nagkaisa ang mga iyon na magbakasyon din ng isang linggo. Sabi niya ay huwag ng magdala ng tig-iisang kotse dahil baka mapuno ang buong Esco

