Kabanata 43 - Urong Sulong GALIT na galit si Alexa habang nagmamaneho papauwi. She didn't bother sending a reply to Aslan because she wanted to get home as fast as she could. Para siyang lalagnatin dahil hinalikan siya ni Lucas. Nabubwisit na talaga siya. Pakiramdam na naman niya ay makasalanan siya. Daig pa niya ang asawa na nagtaksil. She feels like she owes Aslan an explanation. But why? Binilisan niya ang pagmamaneho. Makalipas ang ilang minuto ay nasa bahay na siya. Naabutan pa niya si Aslan na nag-aayos ng pagkakalagay ng helmet sa salaming lalagyan. She hopped out and looked at him. Kahit na naiinis siya kay Lucas ay pilit niyang iwinaksi at naglaan ng munting ngiti kay Aslan. Pero laking dismaya niya nang lagpasan siya nito at para siyang hindi nakita. Tumuloy ito sa pagpasok

