Kabanata 44 - Selos pa More PALAKAD-lakad si Aslan sa loob ng kanyang kwarto, hilot ang batok, ang labi at pagkatapos ay mamemewang. Kinakalma niya ang sarili dahil matinding selos ang lumamon sa kanyang sistema kanina. He saw it. Nakita niyang nakikipag-yakapan si Alexa kay Lucas at hawak pa ng demonyong lalaking iyon ang smartphone ng dalaga. Kaya pala hindi na sa kanya makapag-reply dahil naroon na kay Lucas. Hindi pa rin ba ito nagbabago? Si Lucas pa rin ba ang gusto nito kaysa sa kanya? Ano pa bang dapat niyang ipakita? Ano pa ba ang dapat niyang gawin? Tagapagtanggol siya, nagpaparaya, nagtitiis at nagpapasensya. Bakit ang gusto ni Alexa ay ang mga lalaking bastos at mga walang hiya? What if he does it to her, too? Baka gusto na nun ma-sample-an. Baka sakaling magustuhan na rin

