Kabanata 53 MALALAKAS na tili ang maririnig sa palibot ng lugar na iyon, na puno ng mga punong kahoy at balot na ng kadiliman. Headlights lang ng sasakyan a g tumatanglaw sa daan. Halos maputol ang mga ugat sa leeg ni Alexa nang tangkain silang dukutin ng lalaking may itak. Pinaghahampas nila iyon ng kung anong makukuha nila sa loob ng van, kahit bag ay ginamit nila at mga stuffed toys. Nadampot niya ang air freshener sa tabi niya kaya pinag-spray-an niya ang lalaki sa mata. "A, hayop!" Mura nun saka kinuskos ang mga mata pero mas lalong naging agresibo ang mga iyon. These men are hammering the windows of the van. Sa bawat salpok ng matigas na bagay na bumabasag sa mga bintana nila, ganun din ang pagsabay ng pintig ng puso ni Alexa. She has to protect her friends. Nasa lugar niya ang

