Kabanata 57 STRAIGHT upstairs, that's what he did. Walang sulyap, walang lingon na dumiretso si Aslan sa hagdan at pumanhik. Kahit na si Alexa ay hinarap ang mga kaibigan nito sa sala, hindi siya tumingin. Pero mukhang sinusubok talaga siya ng tadhana dahil nang makapanhik siya para pumunta sa kwarto ng niya at kunin ang kanyang smartphone, siya namang paglabas sa isa sa mga guest rooms ng babae. Napatingin siya dahil akala niya ay kung sino lang, pero agad niyang binawi ang mga mata niya at binuksan ang kanyang kwarto. He abruptly pushed the door but he heard a giggle, and soon after that, the woman was already holding his arm. Binawi niya ang braso sa maayos na paraan. "May problema ba?" Tanong niya sa babae pero nakatingala ito sa kanya. "Anong nagustuhan mo sa kanya? I mean, an

