Kabanata 58 NAKANGISING si Guada ang inabutan ni Aslan sa may b****a ng gate. Itinigil niya ang motorsiklo at hinintay na matapos ang dalawa ni Alexa sa pagyayakapan. "Aslan," anang matanda sa kanya, bitbit ang dala nitong bag, "Ang laki mo na," anito sa kanya matapos siyang hagurin ng tingin. "Malaki o matanda?" Tanong naman niya kaya humagikhik si Alexa. "Gwapo," ani Guada kaya napailing siya. "Pilit akong pinauwi nitong bata na ito at kayo raw ay magpapakasal. Totoo ba?" Tumango lang siya at masaya na napapalakpak ang babae. "Ako ang pinakamasaya! Susko, alam kong nasa mabuting mga kamay ang alaga ko!" Tumaas ang sulok ng labi ni Aslan pagkarinig sa salitang iyon ni Guada sa kanya. Somehow, he felt proud of himself. This old lady sees his worth and the reason why he lives. "Kay

