“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong niya sa dalawang kaibigan na pilit siyang niyaya na magpunta ng mall sa pasay. “Ano ka bakla ang dami mong tanong, sunod ka na lang kasi!” pagtataray ng kaibigan niya sa kan’ya. “Alam n’yo kayong dalawa, wala ba kayong ibang kaibigan at lagi na lang kayong dalawa na nakabuntot sa akin?" “Marami, kaso sa kasamaang palad ikaw lang ang best friend ko, at malungkot ka ngayon kaya tayo na.” napilit siya hinihila. “At ikaw naman?” baling niya kay Dunhill. “A-ah... eh, sa lahat kasi ng kaibigan ko ikaw lang ang walang boyfriend, hihi.” ngisi nito. “Kaya pinepeste n’yo akong dalawa, ganoon?” taas ang kilay na hinarap niya ang dalawang kaibigan. “Mamaya ka na nga magreklamo, bilisan mo nang lumakad.” Sabay tulak sa kanya ng kaibigan. Dinala siya ng dalawa

