(SEB POV’S) Sobrang nakunsenya si Seb ng masigawan niya si Isay, hindi niya iyon sinasadya, nasasaktan s’ya nang makita niya itong umiiyak. Gusto niya itong habulin, amuin at yakapin. Pero hindi niya alam bakit parang may pumupigil sa kanya na gawin iyon, hindi niya maintindihan ang sarili n’ya. Unang beses pa lang niya itong makita may kakaiba na s’yang naramdaman para dito, hindi lang niya ito pinansin. Hanggang sa makasama niya ito sa kanyang unit at unti-unti nakilala ang dalaga, makulit ito pero masayang kasama. Hindi n’ya lang alam kung paano niya sasabihin dito ang nararamdaman niya, at sa twing magtatangka siya ay nauuwi lang sila sa asaran, lalo pa ngayon na nalilito pa rin siya at hindi niya mabitawan ang alaala na meron sila ni Mara, at higit sa lahat ang katotohanang niloko

