Nagtataka si Isay kasi paglabas niya ng kwarto ay wala siyang makitang tao, nagpunta siya sa kusina at nakita niya si Nanay Mirna. “Nay nasaan po ang mga tao dito sa bahay? Bakit parang naubos na sila?” biro niya sa matanda. “Saan po sila nagpunta?” dagdag niya’ng tanong. “Ikaw naman kasi hija e ang tagal mo gumising, yung Kuya Dom mo kasama ang Ate Roxane mo kasi inaasikaso nila ang pag-file ng kasal nila. Ang Mama at Papa mo naman ay nagpunta ng bayan at bumili ng materyales sa paggawa ng tangke ng tubig nasira kasi kaya kailangan ng palitan. “Ito’ng Kuya Ryan mo naman ay sinama si Seb at may pupuntahan daw silang kaibigan, hindi ko alam kung sinong kaibigan ang tinutukoy kasi mga nakaporma, ke kagu-gwapo nga nang magsi-alis.” Nakatawang kumento pa nito. Napasimangot naman siya dahil

