Gabi na nang matapos ayusin ang tangke ng tubig, at para naman mapawi ang pagod ng mga ito ay nagpainom ang kanyang Ama sa nga tauhan nito. Tumulong siyang muli sa pagluluto, dumating na rin ang kuya niya at Ate Roxane galing sa pagaasikaso ng kasal nila, naki-salo na din ang mga ito sa inuman. Ang mga babae naman ay sa isang lamesa nagsama-sama, maliban sa kanya na mas gustong tulungan si Nanay Mirna na magluto ng pagkain ng mga ito pati ang pulutan. “Isay halika samahan mo kami,” tawag sa kanya ni Margie, ano pasikat lang inis niya na pilit ngumiti. “Mamaya na lang siguro kasi walang katulong si Nanay Mirna magluto.” Tanggi niya pero sa totoo lang ay ayaw niya itong maka-usap. “Aww, sayang naman, ang sipag-sipag pala nitong si Isay,” maarte nitong sabi. “Oo, masipag talaga ‘yang si

