Abala at halos hindi magkanda-ugaga ang lahat ng tao sa mansyon, ito kasi ang araw ng kasal ng kanyang Kuya Dom. Tanging kamag-anak at ilang malapit na kabigan lang ang imbitado, syeprem kasama ang best friend n’ya pati na rin si Dunhill at ang anak nito ay dumalo. Nagulat pa nga siya ng makita ito e. Nag-aalala akasi siya ‘pag nagkasalubong ito at si Seb, pero sa nakikita n’ya mukhang behave ang dalawa, buti naman kasi kung gagawa ng gulo ang dalawang ito ay siya mismo ang sisipa palabas sa dalawa, araw ngayong ng kuya niya kaya hindi p’wede umektra ng atensyon ang dalawang tukmol na iyon. Nilapitan niya si Dunhill, “Ayos lang ba kayong mag-ama dito, umupo ka kaya muna baka nangangawit ka d’yan sa buhat mo,” tinutikoy niya ang anak nitong kahit apat na taon palang ay malaki nang tingnan

