Masayang pinapanood ni Isay ang pamilya, busy ang mga ito sa kanya-kanya gawain, nakaupo siya sa isang bench na ‘di kalayuan sa mga ito. Malapit lang kasi ang resthouse na pagaari ng pamilya ni Dunhill sa isang private resort, paglabas mo sa likod ng resthouse nito kaunting lakad na ay nandon na sila. Ang mama’t papa niya kasama ang kuya Dom at ate Roxane niya na kausap naman si Dunhill, nakapalibot ang mga ito sa isang bonfire habang naka-upo, at mukhang nagkakasiyahan ang mga ito. Ang kuya Ryan naman niya ay nilalaro ang kaniyang pamangkin na hawak ng ate Laura niya sa isang bakanteng kubo. At syempre ang best friend niya na iniwan s’ya at pinagpalit sa isang foreigner, basta na lang siya nitong iniwan at agad na sumunod dito. “Ang landi mo talagang bakla ka,” aniya na naiiling, dah

