Matapos kumain ay naglibot muna sila Isay sa labas ng villa, na iwan naman sa loob ang tatlong lalaki. Malalim ang iniisip ni Isay habang naglalakad, iniisip niya ang suhestyon ng kaibigang si Geraldine, naalala pa niya ang sinabi nito habang nasa airport sila. “Pero ito bakla, hindi ko pa ito na subukan, narinig ko lang din ito sa mga kabaklaan. Kung gusto mo daw mapa-ibig ang isang tao, dasalan mo daw yung underwear nila!” bulong ng kaibigan. “What?” bulalas niya, na agad natukop ang bibig. “No way! hindi ko gagawin ‘yon, baliw ka talaga kahit na kailan.” Naputol lang ang pagmumuni-muni niya ng tawagin siya ng kaibigan at yayain na libutin pa ang lugar, dahil sa pagod na din siya ay hindi na siya sumama at bumalik na siya sa villa at iniwan ang ibang kasamahan. Pagpasok pa lang sa b

