Parang kaka-sabi lang niya na hindi siya sasama sa family outing ng kaibigang si Dominic, pero ito s’ya ngayon nakasunod sa kaibigan at nobya nitong si Roxane. Naaalala pa niya nang tumawag ito sa kan’ya no’ng isang araw, at kinukulit na sumama siya. Ayaw sana niya talagang sumama dahil gusto muna niyang mapag-isa dahil ang daming nakaka-stress na pangyayari sa buhay niya nitong mga nakaraang-araw. Gusto muna niyang ipahinga ang utak niya kaka-isip sa mga problema niya. Kaya lang ay sobrang kulit ng kaibigan, pinagbantaan pa siya na kaimutan na daw niya ang kanilang pagkakaibigan kung hindi siya sasama. Flashback. “Seb, bro, kung hindi ka sasama. Mabuti pang kalimutan mo na naging kaibigan mo ako,” anang kaibigan na sobrang drama. Hayy! Wala

