Inis na inis at basta na lang siyang lumabas ng sasakyan, pagkatigil na pagkatigil pa lang nito kahit na umuulan sa inis niya sa lalaki. Hindi niya ito maintindihan bakit nito iyon ginawa, hindi niya gusto ang ginawa nito pero ayaw din niya ang pakiramdam na naiinis ito sa kanya, kaya na nahimik na lang siya ng magbago ang timpla nito sa sasakyan kanina. Tinawag pa siya ng lalaki para sabihin na kunin ang payong pero hindi niya ito pinansin dahil na iinis siya, kaya tuloy-tuloy siya sa loob ng building, para naman siyang kinilabutan ng salubungin siya ng lamig nang aircon pagpasok niya pero hindi niya ito ininda, hindi na rin niya hinintay ang lalaki at agad na dumiretso sa Unit, agad na nagkulong sa kwarto. “Isay... Isay...” tawag nito habang kumakatok, lumapit siya sa pinto at pinaking

