Hindi mapakali si Seb, pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga dahil sa inis na nararamdaman. Ano bang problema sa kanya bakit ba siya inis na inis? niluwagan niya ang kanyang necktie para makahinga ng maayos. “Salamat ah! ano naman ito?” tanong ng dalaga. “Mga Vitamins and Food Suppliments, nag-aalala kasi ako sayo baka mapabayaan mo na nag sarili mo sa sobrang trabaho.” ngumiti naman ang dalaga sa muling nagpasalamat. Napatingin naman ulit siya sa kaibigan na naka-ngiting aso pa rin sa kanya, saka bumaling kay mayor. “Talaga, Baka meron dyan para constipation? constipated kasi ako nitong mga nakaraang araw e.” ngiti nito saka hinaplos ang tiyan. “Meron ata dito.” ani naman ni mayor at hinanap ang gamot saka inabot kay Dominic. Ibang kalse din tong l

