Sa sobrang dami ng ginagawa ni Seb ay hindi niya namalayan ang oras mag-aalas sais na pala. Pagtingin niya sa labas ay na wala puwesto nito ang dalaga, kaya naman ay tumayo siya at lumabas para tingnan ito, nakita niya si Cherry na nagaayos na rin ng gamit para umuwi na.
“Hi Sir, uuwi na rin po ba kayo?” nakangiting tanong nito.
“Nasaan si Isay?” aniya na hindi sinagot ang tanong nito.
“Ah! Lumabas lang po saglit Sir, babalik din daw po siya agad.” sagot nito ng nakangiti.
“Saan naman daw sya pupunta at hindi nagsabi sa akin?” kunot-noo niyang tanong.
Ngingisi-ngisi naman itong sumagot, “Dyan lang daw po sya sa labas ng building, dahil may kikitain lang daw po. Dyan lang Sir sa may lobby.”
Tinaasan niya ito ng kilay saka tumalikod na, narinig pa niya itong tumawa ng mahina.
Paglabas niya ay nakita niya itong may kausap na lalaki. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito.
“Isay–” tawag niya dito na nagpalingon din sa kausap nito.
“Pare!” nakangiting bati nito sa kanya.
Kunot-noo naman siyang lumapit sa mga ito, “Ano'ng ginagawa ni mayor dito?” aniya sa isip.
“Mayor Vic na pasyal ka?” tanong niya sa lalaki.
“Uhmm, may pinuntahan kasi ako dito na kamag-anak e, saka may pinasuyo si Tita Tessy. Kaya hinatid ko na dito kay Isay.” anito saka nakangiting tumingin sa dalaga.
“Nakakahiya sayo Vic, sana hindi kana nag-abala pa!” nahihiyang ngumiti ito.
Natawa naman siya ng mahina dahil sa pabebe nitong kilos, para mong hindi makabasang pinggan.
“Ano ka ba ayos lang iyon, ikaw pa ba.” anito na hinawakan pa ito sa balikat.
“Isay hindi ka pa ba uuwi pupunta kasi ako sa kuya mo, baka gusto mong sumama?” putol niya sa mga ito.
“Tamang-tama kasi pupunta din ako kay Dominic, kasi meron din kasing pinadala si Tita.” ani ng lalaki.
“Sige sasama ako.” ani Isay.
“Gusto mo sa ‘kin ka na sumabay, Isabela?” tanong nito
“Sa kanya na ako sasabay,” baling naman ng dalaga sa kanya, “sandali lang at kukunin ko lang ang gamit ko.” nakangiting baling nito kay mayor
Siya naman ay sumunod na din sa dalaga, “Ganda ng mood natin ah!” aniya na may pangaasar pa sa tono.
“Talaga!” anito na may pag-uyam na tono. “Bakit ikaw hindi ka masaya sa kayakap mo kanina?” anito na hindi tumitingin sa kanya at diretso lang sa paglakad.
Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito, saka sinundan na lamang ito at kinuha na din ang kanyang gamit.
Pagbaba nila ay nakangiting sinalubong ni mayor si Isay, at inalalayan pa itong makapasok sa sasakyan.
S’ya naman ay padabog na sumakay ng sariling sasakyan. Maya-maya pa ay may kumatok sa kanyang bintana, kumakatok si mayor.
“Pare, convoy na lang ako dahil hindi ko kabisado ang daan papunta doon?” anito sa kanya pagkababa niya ng salamin ng sasakyan.
“Okay.” tipid niyang sagot.
“Samalat p’re” anito sabay tapik sa kanyang balikat.
“Ipitin ko kamay mo e!” bulong niya.
“Ano yon? may sinasabi ka ba?” nakangiting baling nito sa kanya.
“Ah! Wala kausap ko yung sarili ko.” ngisi niya dito.
Tumango lang ito at sumakay na rin ito ng sasakyan. Naiinis siya kaya hindi niya na malayan na hindi na pala niya kasunod ang mga ito, at idagdag pa na tawag ng tawag si Marideth. Kaya pinatay niya ang kanyang Cellphone, saka lang niya na pansin na ‘di na niya kasunod ang mga ito ng mapatingin siya sa rear-view mirror.
Binuksan niyang muli ang kanyang Cellphone, ng maka-recieved siya ng text mula kay Isay.
“Nananadya ka talaga noh, bakit mo kami iniwan? Tinatawagan kita pero pinatayan mo ako ng cellphone?!” anito sa text at tinadtad pa nito ng angry face emoticon ang message nito sa kanya
Pinidot niya ang numero ng dalaga upang maka-usap ito, pero pinatayan lang siya, saka nag message muli sa kanya.
“Hindi ka na namin kailangan dahil tumawag na ako kay kuya, Salamat ha!” message nito sa kanya, na kahit hindi niya ito kaharap ay parang naririnig pa niya ang boses ng dalaga, na para bang sinabi nito mismo sa kanya na may pang –uuyam na tono.
Napapakamot na lang siya ng ulo, at inis ay na hinampas ang manibela dahil hindi niya maintindihan sarili kung bakit siya naiirita.
Tatlumpong minuto lang ang byahe papuntang opisina na kaibigan, pero dahil sa traffic ay halos inabot siya ng halos isang oras kaya lalong uminit ang ulo niya ng makarating doon.
“Bro, ano ba yang mukha mo? Yang nguso mo mukang malapit ng sumayad sa lupa ah, problema mo?” Pang-aasar ng kaibigan.
“Wala!” asar niyang turan saka pabagsak na naupo sa sofa.
“Nag-away na naman ba kayo ni Isay? Kayo talagang dalawa... tsk... tsk.. ‘pag kayo talaga nagkatulyan.” Ngingiti-ngiti nitong asar sa kanya habang napapa-iiling.
“Bro, tigilan mo ako baka masapak kita!” saka niya tinapunan ng masamang tingin.
“Wooo... woo, chill ka lang hahaha!” anito na naka-ngisi saka tinaas ang kamay tanda ng pagsuko nito nang biglang tumunog ang cellphone nito.
Napatingin naman siya dito na naka-ngisi sa kanya, “Nandyan na sila.”
“Then, what do you want me to do?” saka niya ito tinaasan ng kilay.
“Nothing, just sit there and relaaaaaax!” anito na tinaas baba ang kamay saka nag- inhale at exhale pa. Maya-maya pa ay kumatok na ang mga ito sa pinto.
“Pasok, bukas yan!” ani ng kaibigan na naka-ngisi sa kanya. S’ya naman ay naka-upo lang sa sofa, saka naka-cross ang kamay sa tapat ng kanyang dibdib, napatingin na lang siya sa pinto ng bumukas iyon, na siya namang pagtama ng mata nila ng dalaga sa isa’t isa na agad din iniwas ng dalaga.
“Sebastian nandito ka na rin pala? Hindi na kame na kasunod sayo dahil sa traffic kaya tuloy hindi kame naka sunod, buti na lang at na natawagan namin itong si Dominic.” Tatawa-tawa ito, s’ya naman ay ngumiti lang na parang aso dito.
“Kamusta Mayor Vic? Pasensya na naabala ka patuloy naming.” ani ng kaibigan.
“Walang problema, maliit na bagay saka gusto ko rin naman kayong pasyalan dito, hindi na rin kayo bago sa akin.” anito na tumingin sa dalaga na naka-ngiti rin dito.
Siya naman ay inis na inis sa lalaki sa pagpapa-cute nito sa dalaga. Pag baling niya ng tingin ay nakita niyang nakangisi ang kanyang kaibigan sa kanya.
“What?” pabulong niyang tanong dito, nagkibit balikat lang naman ito.
“Ah! Ito nga pala yung panadala ni Tita Tessy.” ani mayor sabay abot ng paper bag sa kaibigan. “Ito yung sa iyo Isabela, saka uhmp— ito oh— pasalubong ko sayo.” anito na parang nahihiya pa.