Chapter 32

1280 Words
Kung kanina ay natutuwa siya ng makita ang dalaga dahil bagay dito ang suot nito, ngayon ay naiinis na naman siya dahil sa nakasabay nila ang lalaking kausap nito noong isang araw sa labas ng Opisina na yumakap pa dito Inis na inis na nakikinig lang siya sa usapan ng dalawa                                 “Akala ko pa naman hindi na tayo mag kikita, akalain mong isang building lang pala tayo nakatira” sabi ng lalaki na halos mapunit na ang labi sa sobrang pagkakangiti “Ako nga rin e, akalain mo yung ayaw mo pang sabihin ang pangalan mo kasi sabi mo hindi na tayo magkikita... hahaha” na niningkit ang mga mata niya sa nakikitang pagtawa ng dalaga Hindi pa pala sila mag kakilala pero nagpapayakap na ang isang ito “Oo nga pala, since malakas ang pakiramdam ko na magkikita na tayo palagi, my name is Dunhill” sabay lahad ng palad nito sa dalaga “Isabella, Isay for short” anito na tinangap ang pakikipag kamay nito “Alam mo, ang ganda mo sa suot mo, bagay naman pala sayo yung mga ganyang damit e, hindi gaya ng suot mo noong nakaraan para kang leader ng gangster” “Haha baliw ka talaga, alam mo na ang dahilan ko” saka mahina nitong sinuntok ang balikat nito “pppsss” aniya na pinigil ang pagtawa dahil sa sinabi ng lalaki Matalim ang tingin na pinukol sa kanya ng dalaga ng mapatingin ito sa kanya, ganon din ang lalaki na napatangin din sa kanya “Oh! I’m Dunhill” sabay abot ng kamay nito sa kanya, hindi sana niya ito aabutin ng samaan siya ng tingin ng dalaga “Sebastian” tipid niyang sagot “Nice to meet you again” anito Gaano ba katagal ng usap ang mga ito, kasi pati ang style ng damit ay napag-usapan ng dalawa Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng elevator “Paano Isay, mauna na ako sa inyo” paalam nito sabay hawak sa kamay ng dalaga Inis naman siyang tumingin sa dalaga humawak din sa kamay nito “sige pre, mauna na ako” tumungo lang siya bilang tugon dito Nang makaalis na ito ay sumakay na rin sila ng Kotse “Iba din, kaka-kilala nyo lang sa isa’t isa e, may payakap at holding hands na... tsk.. tsk..” at naiiling niyang turan “So... selos ka” ngisi nito sa kanya “What! At bakit ako mag seselos, nagtataka lang ako sayo dahil may pa tomboy na kilos ka pang nalalaman tapos, may tinatago ka din pala” aniya na naiiling Maya-maya pa ay dumapo na ang kamao nito sa kanyang balikat “Ouuchh, ano bang ginagawa mo, gusto mo bang ma-aksidente tayo?” inis niyang sita dito “Iba ka din noh, hindi mo nga ako kilala pero grabe mo na ako kung husgahan” galit na wika nito, saka ito tahimik na tumingin sa labas Hindi niya alam kung bakit siya na iinis, basta naiinis lang siya, pareho silang tahimik at hindi nag-uusap hanggang makarating sila sa Opisina Pagpasok nila ay nakangiti itong binati ng guard “Good Morning Ma’am, ang ganda natin ah, bagay po sa inyo hehehe” Sabay thumbs up pa nito “Talaga ba?” saka ito lumabi, napakunot noo siya, nag papacute ba ito? Aniya na naasar sa ginawi ng dalaga “Opo Ma’am, mas lalong lumalabas ang ganda natin... diba Sir?” sabay tingin nito sa kanya na naka ngisi “Manong nasasabi mo lang yan dahil hindi mo sya kasama, amasona yan” sabay ngisi sa dalaga Agad din naman napalis ang ngiti niya ng samaan siya nito ng tingin sa mabilis na umalis “Ikaw talaga sir.. lagi mo na lang inaaway si Ma’am hehe” napapakamot na lang ito ng ulo “Ako” sabay turo sa sarili “Hindi ko sya inaaway nagsasabi lang ako ng totoo” “Iba ka pala Sir maglabing sa Girlfriend nyo” napangiti na lang siya dito at sinundan na ang dalaga Hindi niya alam bakit hindi niya tinama ang sinabi nito at may konting tuwa pa siyang naramdaman ng sabihin nito na Girlfriend niya ang dalaga, pinilig niya ang kanyang ulo para mawala ang nasa isip Maghapon siyang nagtrabaho dahil hindi pa ni Isay kabisado ang ibang gawain kaya binilin muna niya ito kay Cherry para maturuan Natutuwa naman siya dahil sa mga naririnig niya tungkol sa dalaga, dahil magaling daw ito at madaling matuto, siya man ay natutuwa dahil mukhang nag-eenjoy ito sa ginagawa Nang dumating na ang oras ng tanghalian ay tinawagan niya ito sa telepono pero mukhang busy ito at may ibang kausap, kaya lumabas siya ng makita itong nakangiti at may kausap sa telepono nito Kaya pala hindi niya ito makontak “Sino na naman kaya ang kausap nito” aniya saka pinakinggan ang sinasabi nito “Naku Salamat ah, hindi ka na sana ng abala pa, nakakahiya naman sayo” anito na may pangiti-ngiti pa “Sige... sige magkita na lang tayo mamaya... oo, siguro after work na lang, pasensya na at ikaw pa ang nag-adjust” anito na nahihiya pang ngumiti na para bang nakikita siya ng kausap nito Inis na inis naman siyang naglakad sa harap nito at hindi na ito pinansin na dapat ay yayain niya ito kumain pero hindi na lang dahil sa naiinis siya dito “Nakakainis, bakit pag ako ang kausap parang lagi akong may ginawang masama, pero pag iba sobrang mabait nito” napanguso na lang siya Nagulat pa siya ng bigla may yumakap sa kanya mula sa likod, pinilit niyang kalasin ang kamay nito na nakayakap sa kanya pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya “Hihi.. hulaan mo kung sino ito?” anito na sinubsob pa ang mukha sa kanyang likod “Marideth, please...” aniya saka kinalas ang kamay nito Pagharap niya ang nakita niya si Isay na nakasunod pala sa kanya ng yakapin siya ng babae, ang dilim ng tingin nito sa kanya at nakasimangot, maya-maya ay lumakad na ito at nilagpasan sila, tatawagin sana niya ito ng muli siyang hilahin sa braso ni Marideth at ng lingunin ang dalaga ay nakita niya ng lapitan nito si Cherry, nang lumingon ito ay nagtama ang kanilang mata pero bigla din itong umirap sa kanya at niyaya na si Cherry papuntang Canteen “Bastie, ano ba pansinin mo naman ako, sino ba ang tinitingnan mo?” ani ng babaeng nakalingkis sa kanya “Marideth ano ba ang ginagawa mo dito? Wala naman tayong meeting ngayon ah” tanong niya dito “Wala nga pero may surprise ako sayo, hulaan mo kung ano” anito na nagpapa-cute pa “Ano? Siret na” walang sigla niyang tugon saka muling tumingin sa direksyon papuntang canteen kung saan nagtungo ang dalaga “Ano ba yan lagi ka na lang ganyan” anito na lumabi pa “Wala akong time Marideth, kaya kung hindi mo sasabihin aalis na ako” irita niyang tugon dito “Sige na, may bagong client ako na ka-meet at gusto niyang mag invest sa tuba plantasyon” anito, kahit naiinis siya dito ay natutuwa rin siya tuwing may binibigay itong client, makulit lang talaga ito “Talaga ba, iba ka talaga” aniya saka pinisil niya ang pisngi nito na ikinatuwa naman ng isa “Sige na at aalis na din ako, para ma i-set na yung meeting” anito na nagpapa-cute pa sa kanya Siya naman ay tinawagan ang kaibigan para ipaalam dito ang balita, sinabi na lang nito na magpunta siya sa opisina nito para makapag-usap sila ng maayos dahil may lunch meeting ito sa isa pang client nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD