Chapter 31

1211 Words
Kahit madaling araw na nang makatulog si Isay ay maaga pa rin siyang nagising, dahil sa tuwing pipikit siya ay mukha ng lalaki ang nakikita niya na nakatitig sa kanya, kaya hindi agad siya nakatulog, nag scroll siya ng kanyang cellphone ng tumawag ang kanyang ina. “Hello! Ma napatawag ka, bakit po may kailangan po ba kayo?” tanong niya sa ina. “Wala naman ipapaalam ko lang kasi sayo na may pinadala kasi ako kay Mayor Vic,” anito. “Ma pinapunta mo pa dito si mayor, nakakahiya naman!” “Ano ba’ng pinagsa-sabi mo, hindi ko inutusan si Mayor Vic para lang dalin yung mga pinasuyo ko, siya ang nagpunta dito para sabihin kung may ipapasabay ako para sayo dahil may pupuntahan daw siya d’yan, bigyan mo na lang din ang kuya mo ha, ikaw na bahala,” bilin nito. “Eh! Ano po ba ang mga pinadala nyo?” “Yung mga paborito n’yo lang, saka nag luto na rin ako ng ginataang laing, basta bahala ka na don ha.” “Sige po, kamusta naman po ba kayo jan?” “Maayos naman kame dito, ikaw ba jan kamusta na kasama si Sebastian,” anito na para teenager na kinikilig sa kabilang linya. “Ay naku Ma sakit sa ulo,” naiiling niyangsumbong sa ina. “Bakit naman wala pa rin bang nangyayari?” tawa nito. “Maaa... Ano ba yang sinasabi mo, isa ka pa din e!” inis niyang turan sa ina. “Hay naku, ito talagang batang ‘to, hala sya— sige na at may gagawin pa ako, binigay ko na din ang number mo kay Mayor tatawag na lang yung sayo pagdating niya d’yan sa Manila,” paalam nito. “Sige Ma, salamat,” aniya saka binaba ang telepono. Sakto naman namang paglabas ng lalaki sa kwarto nito at naghihikab pang lumabas, napatigil naman ito bigla ng makita siya pero agad din nagtungo sa kusina at tumayo sa harap niya. “Himala hindi ka pa naliligo!” anito. “Hindi ako papasok,” aniya na hindi ito tinitingnan. “What, bakit hindi ka papasok, marami ka pang kailangang matutunan, isang beses ka pa lang pumasok suko ka na agad, pero sige sabihan ko na lang ang kuya mo,” ngisi nito. “Kasalanan mo kung bakit hindi ako makakapasok,” irap niya dito. “At bakit kasalanan ko?” anito saka tinuro ang sarili. “Sino ba ang nagpamigay ng gamit ko, ako ba? Diba ikaw? Kaya wala akong isusuot,” inis niyang turan. “Sino may sabing wala kang isusuot?” anito sabay pasok sa kwarto n’ya. Paglabas nito ay bitbit na nito ang isang chiffon dress na kulay Maroon na may flower sa laylayan nito, sabay abot sa kanya. “Baliw ka ba hindi ako nagsusuot ng dress,” saka tinuloy ang pagkakape niya. “Walang problema,” anito saka nilabas ang Cellphone nito. “At sino naman ang tatawagan mo?” kinakabahan niyang tanong. “Ang kuya mo, sasabihin ko na sumusuko ka na,” ngisi nito. “Sira ka talaga noh! May damit sana akong susuutin kung hindi mo pinamigay, kung hindi man ako makakapasok ngayon dahil sayo yun hindi sa sumusuko na ako,” inis niyang turan at napatayo na rin sa inuupuan. “Ikaw ang bahala nasa saiyo yan, pwede mong gamitin yung nasa drawer,” anito sabay abot ng dress sa kanya at muling pumasok sa kwarto niya. Inis na inis na pumasok na rin siya sa kwarto para maghanap ng maisusuot niya. Hinalungkat niya ang drawer, at meron siyang nakitang slacks at white button down long sleeve, pagkaligo ay sinukat niya ang damit na nilabas sa drawer saktong sakto lang sa kanya ang damit na parang kanya talaga ang mga iyon, isa na lang ang problema niya ang sapatos na gagamitin niya dahil hindi bagay ang rubber shoes niya sa suot. Nagtingin ulit siya kung may makikita sa kabinet, paghawi niya ng mga damit na naka hanger ay may isang maliit nadrawer pa sa loob nito pagbukas niya ay may nakita ilang ilang pares ng sandals, namangha naman siya sa nakita kaso puro matataas ang takong ng mga ito at hindi siya sanay mag suot ng ganoon, isasara na sana niya ng makita ang isang pares na kulay itim na sandals, two inches lang ang taas noon, “Siguro kaya ko na itong dalin,” aniya sa isip. “Woo... hehe kasya, parang sinukat ah!” aniya. Kahit na madalas maluluwang ang damit niya ay may fashion sense pa rin naman siya at dahil iyon sa bestfriend niya na laging siyang tinuturuan, sadya lang na mas gusto niya ang maluluwang na damit dahil presko sa pakiramdam. Tinupi niya hanggang kalahati ng braso niya ang suot na long sleeve at saka niya ito tinuck-in, binukas din niya ang dalawang butones niya sa bandang dibdib dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya at naiinitan, iyon din ang dahilan kung bakit ayaw niya ng masisikip na damit. Tinuyo niya ang kanyang buhok saka niya ito tinali, kinuha niya ang sandals at sinuot niya iyon saka humarap sa salamin. “Naku bakla, mukhang kailangan ko magpasalamat sayo dahil hindi ka nagsawang turuan ako kahit hindi kita pinakikingan dati,” aniya na na-satisfied sa ayos niya, umisang sulyap pa siya sa salamin bago siya lumabas. Paglabas niya ay saktong paglabas din nito, napa-nganga naman ito ng makita siya . “O ano ka ngayon,” aniya sa isip at tinaas ang bahagi ng kanyang labi. Napakunot-noo naman siya ng ngumisi ito saka hinawakan ang baba na nakatingin sa kanya. Lumaki naman ang mata niya nag mapansin ang suot nito, halos pareho kasi sila ng suot, nakatupi din ang suot nitong long sleeve hanggang kalahati ng braso nito, black pants at black shoes din ang suot nito, para silang couple na papasok sa opisina. Nang tangka siyang papasok upang magpalit ng magsalita ito, “ Huwag ka ng magpalit mala-late na tayo,” anito saka lumabas. Wala na siyang nagawa kundi sundan ito, ngunit nahihirapan siya dahil ang bilis nitong maglakad. “Sandali naman, baka pwedeng bagalan mo ang paglalakad dahil mataas ang takong ng suot ko!” reklamo niya. Dahil sa pagmamadali ay natapilok siya “Aayyy!” sigaw niya, akala niya ay babagsak siya buti na lang at nahawakan siya ni Seb sa beywang saka nahawakan sa braso, siya naman ay napakapit sa balikat nito. Pagtaas niya ng mukha ay nasalubong ng mata niya ang dalawa at naggagandahang mata nito, muli na naman siyang na hypnotised ng mga mata nito, kung hindi pa ito nag “Ehemmp!” hindi siya matitinag sa pagtitig dito. “Diba sabi ko naman sayo magsabi ka lang” ngisi nito. Hindi na lang niya ito pinansin pa dahil baka mas lalong lang masira ang araw niya, hindi rin naman nagtagal ay bumukas na ang elevator. Nagulat naman siya ng makita ang nakasakay, ganon din ang lalaki ng makita siya saka ubod ng tamis itong ngumiti sa kanya. “Hi! you’re here, dito ka din pala sa building na ito?” anito saka siya inalalayang makapasok sa elevator. Tuwang-tuwa din naman siya na makita ito, buong akala niya ay hindi na sila mag kikita kaya hindi nila sinabi ang kanilang pangalan sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD