Chapter 30

1242 Words
“Gusto mong masaktan?” banta niya dito. “At paano mo naman gagawin iyon?” anito na nakangisi. Nang tutuhurin niya ang hinaharap nito ay bigla nitong inupuan ang hita niya at ang kamay napigil nito ay nilagay sa gilid na ulo niya na hawak pa rin nito, mas humigpit iyon at ramdam na niya ang bigat nito. “Ano bang ginagawa mo?” aniya at napatingin sa sugat nito sa noo na tumugil na ang pagdurugo pero ang mukha nito ay may dugo pa dahil hindi pa nalilinis pati na rin ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya. “Pinipigilan ka dahil alam ko kung ano ang iniisip mo,” ngisi nito. “P’wede ba tumayo ka na dyan!” aniya at pilit itong inaalis sa pag kakadagan sa kanya. “Diba gusto mong tingnan ang mata ko, kaya ayan na malaya kang titigan,” sabay dikit ng noo nito sa noo niya at ang ilong nito sa ilong n’ya. Napapiikit naman siya sa ginawa nito, “P’wede ba itigil mo yan!” aniya na pakiramdam niya ay bigla siyang nanigas sa pag kakahiga. “Binibigyan lang kita ng pagkakataon, ayaw mo ba?” bulong pa nito sa kanya. “Alam mo, sira ulo mo talaga, ‘pag nakawala ako dadagdagan ko pa yang nasa ulo mo,” aniya sabay lihis ng noo niya sa noo nito. Dahil sa ginawa niya ay hindi sinasadyang magdikit ang kanilang mga labi, pagdilat niya ay nakatingin ito sa kanya at ngiting ngiti ito. “Ikaw ang may gawa non hindi ako,” anito na hindi matanggal ang naka paskil na ngiti nito sa mga labi. Hindi siya makatingin dito ng diretso kaya binaling niya ang mukha sa ibang direksyon. “P’wede bang umalis ka na d’yan!” aniya na hindi ito tinitingnan. “No!” anito na muling nagpatingin sa kanya dito, sa pagkakataong iyon ay unti unti nitong nilapit ang labi nito sa mga labi niya konting-konti na lang ang lapit nito sa labi niya, hindi niya alam ang gagawin kaya napapikit siya ng sobra. Bigla naman itong tumawa ng malakas, sabay bulong sa kanya, “Hindi mangyayari iyang gusto mo!” anito sa kanyang tenga at ramdam niya ang hininga nito na nagbigay kilabot sa buo niyang katawan. Sa inis niya ay buong lakas niya itong binalya at tinulak palayo sa kanya, natatawa naman itong napatayo na rin at tuluyan nang umalis sa pagkakadagan sa kanya. Pagtingin niya dito ay tawa pa rin ito ng tawa, “Nakakainis ka talaga,” inis niyang sabi dito at iniwan na ito saka tuluyan nang lumabas ng kwarto ng lalaki, iniwan nya itong walang tigil sa pagtawa. Narinig pa niya itong sumigaw, “Magsabi ka lang dahil pwedeng pwede mo akong titigan... hahaha,” inis na inis niyang binalibag pasara ang pintuan nito, kumakabog naman ang kaniyang dibdib ng makarating sa kanyang tinutulugan. Hawak ang sariling dibdib at ramdam ang pagkabog habang nakasandal sa pintuan ng kwarto, sa pagpikit niya ay bigla sumilay ang itsura nito habang nakatitig sa kanya agad naman siyang napadilat at napahawak sa kanyang mukha dahil naramdaman niya ang pagiinit nito. “Bwisit ka talagang lalaki ka,” inis na inis syang umupo sa kama saka napatitig sa mga gamit niyang nakakalat “Aaahhhh,” pigil niyang sigaw saka pinagsusuntok ang unan. Inayos niya ang gamit na kaninang kinalat niya sa inis dahil sa ginawang pakikialam ng lalaki sa gamit niya, may ilan pa naman ang natira na hindi nito pinakialaman, ang stretchable niyan pants, shorts at may ilang shirt din siya na hindi ganoon kaluwang ang naiwan at ang dress na bigay ng kuya Dom niya. “Hmmmp... nadala ko pala ito?” bulong niya. Haayy... aniya saka sinipa na lang ang mga gamit para magsama-sama sa isang sulok saka binato ang dress dito at humiga, naiisip niya ang nangyari kanina sabay hawak sa sariling labi, namalayan na lng niya na napapangiti siya habang iniisip ang mga mata ng lalaki at ang lambot ng labi nito. “Hoy... Isay anong ginagawa mo,” sita sa sarili habang sinasampal ang sarili para matauhan. “Ano ba ang nangyayari sa akin?” aniya sa sarili at hinawakan ang pisnging nagiinit saka muling humiga. Nakatingin siya sa kawalan ng biglang kumalam ang kanyang sikmura. “Sh*t, hindi pa pala ako kumakain, hala— yung pinamili ko, hindi ko pa pala na ayos,” sabay tayo at lumabas ng kwarto pero bigla din siyang na patigil at sinilip muna kung nasa kusina ang lalaki ng makitang walang tao ay saka siya tuluyang lumabas. Sinimulan na niyang ayusin ang gamit niya, nagsalang na rin siya ng kanin at nag simulang mag luto ng ulam, hindi na sana niya tatawagin ang lalaki para kumain kaso na kunsensya naman siya kaya kinatok niya ito. “Hoy... lumabas ka na d’yan, nagluto na ako kung gusto mong kumain kumain ka pero kung ayaw mo bahala ka,” aniya saka pinakinggan ang ito at tinapat ang tenga sa pintuan pero hindi niya ito narinig na sumagot. Kinabahan siya at agad na pumasok sa isip na baka patay na ito dahil sa sugat nito, mas lalo naman siyang kinabahan dahil sa naisip. “Hoy... hoy ano ba sumagot ka nga... hoy... ano ba?” saka niya nilakasan ang pagkatok sa pinto. Pilit niyang pinipihit sa seradura ng pinto nito at hindi na pansin ang nasa likod niya, napatalon naman siya ng magsalita ito. “I told you that, I’m not Hoy... I’m Sebastian Monteverde but you can call me Seb if you want!” bulong nito sa tenga niya habang nasa likod niya ito dahilan upang mapatalon siya at tumama ang tagiliran niya sa seradura. “Aahh!” daing niya ng tumama ang tagiliran niya sa pinto. “Ayos ka lang?” tanong nito saka siya hahawakan pero pinalis niya ang kamay nito saka ito nilagpasan, talagang sinsagad nito ang pasensya na kaya bago pa man maubos ang pasensiya niya dito ay nagtungo na lang siya sa lamesa at kumain na lang hindi na niya ito kinausap pa.. kotang-kota na ito sa pang-iinis sa kanya ngayong araw. “Ano ba kasing ginagawa mo sa harapan ng kwarto ko?” ngisi nito na hindi niya pinansin. “Lumabas lang ako saglit dahil may kinausap ako,” patuloy pa rin ito sa pagsasalita at yumuko pa ito na pilit na tinitingnan siya sa mata pero inirapan lang niya ito. Tuloy lang siya sa pagkain kahit daldal ito ng daldal, hindi niya ito pinapansin at nag focus lang siya sa pagkain. “Kaya ka ba kumakatok dahil—” na sinadyang ibitin ang sasabihin pero hindi pa rin siya tumingin dito. “Dahil gusto mo nang sabihin na gusto mo ng tignan ang mata ko,” ngisi nito ng tingnan niya ito. Ngunit hindi siya sumagot sa halip ay sinubo niya ang buong kutsara kasabay ng huling pagkain sa plato niya sabay hampas ng kutsara sa noo nito. Nariinig niya ang patunog ng kutsara na tumama sa noo nito, pigil ang pag-ngiti saka tinaasan niya ito ng kilay habang hinihilot nito ang noo na tinamaan. “Balak mo talagang butasin ang ulo ko noh?” anito na patuloy pa rin sa ginagawa nitong paghilot sa noo. Tumayo na siya pero bago umalis ay nilingon muna niya ito “Nagluto na ako, ikaw na ang mag hugas niyan dahil hindi mo ako katulong,” sabay talikod ang iniwan itong napatulala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD