Galit na galit si Isay ng pagpasok niya sa kwarto ay wala na ang mga damit niya dahil sa walang hiyang lalaki na iyon na pinamigay sa mga tao sa labas.
Pakiramdam niya na umakyat na lahat ng dugo niya sa kanyang mukha, ramdam kasi niya ang pagiinit nito, pagtapat niya sa pinto ng kwarto nito ay malakas niya ito binayo.
“Kapag hindi ka pa lumabas jan, sisirain ko talaga ito!” sigaw niya dito.
Maya-maya pa bumukas na ang pinto nito at sinilip lang siya.
“Anong problema mo?” galit niyang tanong dito.
“Wala akong problema, bakit?” maang-maangan pa nito saka ngumisi na parang aso, na mas lalo niyang kinainis.
“Anong ginawa ko sayo para ipamigay ang mga damit ko doon sa mga tao sa bababa, gamit ko yun hindi sayo wala kang karapatan paki-alaman ang gamit ko!” sigaw niya dito, saka sumeryoso ang mukha nitong bigla.
Pero hindi siya nagpatalo at nakipag titigan dito, galit na galit siya gusto niya ito suntukin pero ayaw siya nitong papasukin sa kwarto nito.
“Naawa kasi ako sa kanila gusto ko silang tulungan, ayoko namang ibigay yung damit jan kasi bago pa ang mga yun, kaya binigay ko na lang sayo,” sabay ngisi nito.
“Haaaa!!“ napasigaw na lang siya sa walang kewenta nitong paliwanag na halatang nanadya na asarin s’ya, nakukom niya ang kamao saka isang malakas na tulak sa pinto ang ginawa niya.
Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya hindi na nito napigil at tumama ang gilid ng pinto sa noo nito, na paatras ito at inis na inis siya pumasok sa loob ng kwarto nito.
Napatingin siya dito ng hindi pa rin ito tumutuwid ng tayo at nanatiling nakayuko hawak ang noo na tinamaan ng pinto.
“Ano ang arte mo para ‘yan lang,” inis niya sabi dito.
Natahimik siya ng makita ang dugo na pumatak sa sahig at sa kamay nito na nakahawak sa noo nito.
“Hoy…” sabay hawak niya sa braso nito at tinulungan tumayo.
Dumagundong ang dibdib niya nga makita ang kalahati ng mukha nito na puro dugo at palutoy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa noo nito, paliit lang ang sugat pero malakas ang dugo na tumutulo mula dito.
Nanginginig ang kamay niya na hinawakan ang mukha nito, at pinunasan ang mata nito na nakapikit ang isa dahil natutuluan ng dugo.
“S-sorry hindi ko sinasadya!” nanginginig ang boses niyang humingi ng paumanhin dito.
Pero nakatingin lang ito sa kanya, maya-maya pa ay dumaing ito na nahihilo na mas lalong nagpataranta sa kanya, pinaupo niya ito sa kama at naghanap ng magagamit para magamot ang sugat nito, halos maikalat na niya ang mga gamit nito sa kwarto pero wala siyang makita na pwedeng gamitin, nang maalala niya ang dalang gamit kaya patakbong nagpunta siya sa kwarto.
“Bwisit! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nasaktan e,” inis na sabi niya nang makita niya ang mga gamit at wala na ang mga damit niya at ilang personal na gamit na lang ang natira.
Hinanap niya ang dala niya emergency kit at nagmamadaling bumalik sa kwarto nito.
Bumalik ang sobrang kaba niya na nakalimutan kanina pansamantala, nakapkit itong nakasandal sa headbroad ng kama.
Mas lalo siyang nataranta nang tawagin niya ito ay hindi ito sumasagot.
“Hoy... hoy... patay ka na ba?” kinakabahang tinapat niya ang daliri sa ilong nito para i-check kung may hangin na lumalabas mula dito.
Nang bigla nito hawakan ang kamay niya “I not HOY... I have my name and my name is Sebastian Monteverde,” anito saka siya tinitigan.
Medyo hindi na malakas ang tulo ng dugo pero nagkalat na ang iba sa mukha nito, at ito na naman siya dahil sa tuwing napapatingin siya sa mga mata nito ay hindi na niya maalis ang mga tingin dito, nakaka-akit talaga ang mga mata nito.
“Maganda ba?” anito na nakapag pabalik sa kanyang ulirat sabay ngisi nito sa kanya.
Sa gulat niya ay nahampas niya ito sa may sugot nito sa noo.
“Awww!” na sinalo nitong muli ang dugo dahil muli rin itong tumulo.
“Ano ba kasi bakit ang hilig mong manggulat!” inis niya sabi dito.
“Ako talaga, ikaw nga d’yan ang titig na titig sa akin e, nakakailang kaya,” saka muli itong ngumisi.
Binato niya dito ang hawak na medicine kit sabay tayo.
“Oh, ayan gamutin mo sarili mo,” sabay talikod para hindi nito makita ang pamumula ng pisngi niya.
“Ahh, nahihilo ako,” anito at paglingon nito ay muli nitong sapo ang mukha saka nakayuko.
Muli nanaman siyang kinabahan dahil alam niya na kasalanan niya kung bakit dumudugo ang noo nito.
Akin na nga iyan... sabay agaw dito sa kit, kumuha siya ng agua oxigenada at naglagay sa bulak saka nilinis ang sugat nito.
“Ahhh, ano ba yang nilagay mo? grabe ang hapdi,” anito na nakapikit ng sobra.
“Manahimik ka na nga lang dyan, mag-tiis ka,” aniya na diniinan ang bulak sa sugat nito.
“Oucchhh!! “ sigaw nito sabay pigil sa kamay niya.
“Alam mo kung gusto mong malinis yang sugat mo mag tiis ka,” ngisi niya.
Mapungay ang mata nito ng dahan dahan itong dumilat sa pagkakapikit, napatingin siyang muli dito.
“Alam mo kung gusto mong titigan ang mga mata ko, magsabi ka lang,” saka ito ngumisi.
Pakiramdam niya ay nagkulay makopa siya dahil sa sinabi nito, kaya binuhusan niya ang sugat nito ng hawak na agua, bumula ang sugat nito dahil dito at napasigaw naman ito sa hapdi, napapikit naman ito para hindi malagyan ang mga mata nito.
Tatayo sana siya pero bigla siya nitong hinwakan at hinatak dahilan para mapahiga siya sa kama nito, saka nito hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“Ano ba bitiwan ko ako,” inis niyang sabi dito pero naka ngisi lang ito sa kan’ya.
“Diba gusto mong titigan ang mga mata ko, pagbibigyan kita,” sabay kindat pa nito sa kanya habang naka ngisi at unti unti nitongnilapit ang mukha sa mukha niya, halos magdikit na ang ilong nila sa lapit nito sa kanya.
“There, pwede mo nang titigan,” nakangiti nitong turan.
Nagiwas siya ng tingin dito pero pilit pa nitong hinuhuli ang kanyang mga mata, hindi siya makatayo dahil naka paluhod ito habang nasa ibabaw niya at hawak din nito ang dalawa niyang kamay na nasa ibabaw ng ulo niya.
Kahit iniiwas niya ang mga mata ay hindi pa rin niya maiwasan na hindi ito tingnan dahil sa posisyon nila.