Chapter 28

1126 Words
Bihis na bihis si Isay ng lumabas nang kwarto, mag-kikita sila ng bestfriend niya dahil tinawagan niya ito upang magpasamang mamili ng gamit niya, lalo na’t hindi pa niya kabisado ang pasikot-sikot sa lugar kahit alam niya ang address ng uuwian iba parin yung may kasama siya na pamilyar sa ka-Maynila-an. Paglabas niya ay nakita niya ang binata na nagkakape sa Lamesa at nag-babasa ng news sa laptop nito, napatingin naman ito sa kanya ng makita siya nakabihis. “Saan ka pupunta?” tanong nito. “Sa grocery,” Tipid niyang sagot. “Sino kasama mo?” “Bakit sasamahan mo ako?” aniya saka ito tinaasan ng kilay, pero hindi naman ito sumagot. “Nagtanong ka tapos hindi ka naman pala sasama, but no thanks na lang kasi may kasama ako... bye!” sabay alis. “Sino naman ang kasama mo wala ka naman kilala dito?” narinig pa niyang tanong nito. “Secret!” saka tuluyang lumabas ng pinto. Bago umalis ay sumulyap pa siya sa nakasarang pinto. “Paki-alamero talaga ang lalaking 'to daig pa ang babae sa hailig makialam... hmmp,” saka tuluyan nang umalis. Late na si Isay sa usapan nila ng kaibigan niya, sobrang haba kasi ng traffic naka ilang tawag na ito sa kanya, siguradong umuusok na ang ilong nito, isang oras na kasi itong naghihintay sa isang mall sa Maynila. Patakbong tinunton ni Isay ang lugar kung saan sila magkikita, malayo pa lang siya sa entrance ay makikita na ang kan’yang kaibigan na nakapamewang at nakatingin sa kan’ya. Humihingal na nakalapit siya dito, “Sorry beks, sobrang traffic kasi hindi ko akalain na ganito ka traffic dito,” may paawa effect. “Hay naku beks ah, kung hindi lang kita kaibigan baka nakurot na kita sa singit." “Sorry na talaga bakla, tara na kumain na lang tayo alas onse na rin naman,” yaya niya dito, kinuha niya ang isang kamay nito at nilagay sa balikat niya saka siya yumakap sa beywang nito, ganoon sila ka sweet sa isa’t isa ng kaibigan. Pagpasok nila sa loob ay may nakita siya stall ng cap malapit sa department store saka binitawan ang kaibigan at agad na lumapit doon. “Bakla sabi mo kakain muna tayo,” reklamo nito. “Saglit lang baks tingnan ko lang ito,” saka niya ito hinawakan sa kamay at hinila palapit sa stall. (Seb POV’s) Hindi alam ni Seb kung bakit niya sinundan ang dalaga, aalis ito at may kasama, samantala ang pagkaka-alam niya ay wala itong kakilala sa lugar kaya paanong may kasama ito at ayaw pa nitong sabihin kung sino, kaya niya ito sinundan. “Ano ba ang ginagawa mo Sebastian?” Tanong niya sa sarili habang nagkukubli sa mga stall na malapit sa entrance ng mall. Hindi niya naririnig ang usapan ng mga ito dahil medyo malayo siya, nakikita niya na parang nagtatampo ang lalaki at namumukhaan niya ito, ito yung lalaking kasama nito sa kwarto na matulog, nilalambing ito ng dalaga maya-maya pa ay nakita niya niyakap nito ang lalaki sa beywang. Nakaramdam siya ng inis sa ginawa ng dalaga ito pa talaga ang sumusuyo sa lalaki, pumasok ang dalawa na magka-akbay sa loob ng mall, hindi niya alam bakit inis na inis siya kaya umalis na lang siya hindi na niya sinundan ang mga ito. Hanggang sa maka-balik sa condo ay hindi pa rin nawawala ang inis sa dalaga at umupo sa sofa, hindi rin nagtagal nang tumayo siya at parang may sariling isip ang kanyang mga paa na naglakad patungo sa kuwarto na tinutuluyan nito. Paglabas ay dala na niyang lahat ang damit ng dalaga saka muling umalis, susunugin sana niya ito pero naisip na lang niyang imabigay sa mga taong nasa kalye na tutulog, todo ang pasalamat ng mga ito sa kanya siya naman ay ngiting-ngiti na nakikitang pinag-aagawan ang mga gamit ng dalaga, bahala na mamaya, sabi niya sa sarili na natutuwa sa nagawa. “Kuya maraming salamat po talaga sa mga damit na ito, kahit malayo pa ang pasko pero napaka-agang pamasko nito,” sabi ng isa sa mga nakakuha ng damit. “Wala pong anuman iyon, hindi na rin naman maisusuot yan e, sayang naman kung itatapon lang, magagamit pa naman,” ngiting-ngiti siya sa mga ito. Hapon na ay wala pa rin ang dalaga, naka-ramdam na siya ng inip sa paghihintay dito kaya minabuti niya na lumabas muna sa condo. Paglabas niya ay nakita niya ang dalagang nakatayo sa entrance ng building at naka-tingin sa mga taong nasa lansangan ng sundan niya ng tingin ay bigla siyang pinagpawisan ng malamig, paano ay suot-suot na ng mga ito ang kaninang mga damit na pinamigay niya, pag-baling niyang muli ng tingin sa dalaga ay nakita niyang masama ang pakaka-tingin nito at mabilis na lumapit sa kanya bitbit ang pinamili. “Damit ko ba ang mga iyon?” matalim nitong titig sa kanya sabay turo sa mga babaeng naguumpukan sa gilid ng kalsada. “Ang alin?” maang-maangan niya. “Yung suot ng mga babae na nandon,” anito na muling tinuro ang mga ito. “Hindi ko alam sa 'yo, bakit sa akin mo tinatanong yang mga gamit mo,” sabay iwas ng tingin. Tikom ang labi nito sabay turo ng hintuturo nito sa kanya saka nagmamadaling sumakay ng elevator papunta ng unit, sasabay sana siya dito pero tinapunan siya nito ng matalim na tingin kaya napa-atras naman siya. Pagsara ng pinto ng elevator ay nagmamadali siyang tumabok sa hagdan para maabutan ang dalaga, nasa 8th floor ang Unit niya kaya hingal na hingal siya nang makarating doon, pagbukas niya ng pinto sakto din ang pagbukas ng pinto ng elevator, nakita niya ang dalaga na hindi agad makababa dahil sa mga kasabayan nitong nakaharang sa kanya, kaya tinakbo niya ang unit at nagmamadaling pumasok saka naglock ng kwarto. Narinig pa niya ang pagclick ng doorknob at ang pagsara ng pinto, maya- maya ay narinig na niya ang pagsigaw nito. “Bwisit ka talagang lalaki ka, anong ginawa mo sa mga damit ko,” saka pabagsak nitong sinara ang pinto. Halos masira na ang pinto ng kwarto niya sa lakas ng paghampas nito dito. “Hoy lalaki ka lumabas ka d’yan!” galit na galit nitong sigaw. “Kapag hindi ka pa lumabas jan, sisirain ko talaga ito!” sigaw pa rin nito na hindi niya akalain na nakita pala siya nitong pumasok sa loob. Kaya naman ay tumayo na siya sa pagkaka-upo niya sa kama at lumapit sa pinto saka pinihit ang seradura nito saka binuksan ng kaunti ang pinto. Pagkakita niya sa mukha ng babae ay pulang-pula ito sa galit. “Anong problema mo?” galit nitong bungad sa kanya saka tinulak ang pinto pero hinarang niya ang kanyang paa para hindi ito makapasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD