Chapter 27

1244 Words
Halos lumipad ang sasakyan ni Seb makarating lang muli sa building dahil na- aalala siya kay Isay, patakbo siya pumasok sa loob ng opisina dahil baka nandon ito at doon na natulog, pero tiningnan na niya lahat ng department pero wala siya nakitang Isay. Kinakabahan na siya siguradong lagot siya sa kuya nito, bukod doon ay talagang nag-aalala siya sa dalaga. Pag-labas niya ay nagtanong siya sa guard kung may nakita ito. “Manong may nakita po ba kayong babaeng nakasuot ng black na slack na maluwang, saka blazer din na maluwang?” tanong niya, nagulat naman siya ng tumawa ito. “Ah si Ma’am, yes Sir nagtanong siya sa akin ng karinderya na malapit e, bilib nga ako dun kay Ma’am hindi maarte,” natatawa pa din ito. “Saan mo siya tinuro?” “Doon Sir sa banda doon, kasi wala ng bukas—” “Salamat manong,” aniya na hindi na ito pinatapos at agad nang umalis para puntahan ito. Dirediretso siya ng mapansin ang dalawang tao na nag-uusap, kaya napaatras siya pagtingin niya ay si Isay na may kausap na lalaki, seryoso ang dalawa nanag-uussap at maya-maya ay nagtatawanan na ito, alalang alala siya dito pero ayun at nakikipag harutan sa hindi naman kilala. Nang lumapit siya dito ay bigla itong sumimangot, tumingin din naman ang kausap nito sa kanya, narinig pa nya ang sinabi nito. “Speaking of the devil,” saka sya inirapan. Nang makalapit ay tumayo na ang mga ito, nag paalam na ang lalaki sa dalaga. “Sige mauna na ako sayo,” paalam nito kay Isay at sa gulat niya ay bigla nitong niyakap ang dalaga, at ngumiti naman ang isang ito na tila nagustuhan ang pagyakap ng lalaki sa kanya. Gustong gusto na niyang hatakin ang dalaga ng yakapin ito ng lalaki pero pinigil niya ang sarili. “Tapos na ba yan?” aniya ng nakasimangot. “Ay! sorry pare,” anito na nangingiti saka tuluyan ng nagpaalam sa dalaga, tumungo naman ang dalaga. Nakatingin siya sa papalayong lalaki at hindi na pansin na inalisan na siya ng dalaga. “Kanina pa kita hinahanap, nag-aalala lang pala ako sa wala,” naiinis niyang turan sa dalaga habang sinusundan ito. Bigla naman itong huminto sa paglalakad kaya na pahinto din siya, saka nito nilagay ang kamay sa beywang nito. “Wow, huh! nag-alala ka pala ng lagay nayan, kaya pala ngayon ka lang dumating,” saka tinaasan siya ng kilay. “Traffic po kaya, kanina pa kita hinanap naka dalawang balik na ako dito, hindi kita makita, saka kasalanan mo kasi iniwan mo ang cellphone mo sa kotse ko,” saka ginaya ito at nilagay din niya sa beywang ang kamay n’ya. Sabay pa silang na palingon ng bigla may tumawa, pag tingin nila ay ang security guard na tinanungan niya kanina, hindi nila namalayan na nasa tapat na pala sila ng building kakasunod niya dito. “Hahaha Sir— Ma’am ‘wag na po kayong mag-away, bawi ka na lang sir kay Ma’am,” sabay ngisi nito. “Tama si kuya, dapat bumawi ka sakin kasi pinaghintay mo ako,” saka siya nito tinaasan ng kilay. Hindi na siya nakapag talo pa dahil mukhang hindi rin naman ito papatalo sa kanya. “Tayo na umuwi na tayo,” saka ito nilampasan. “Sandali hindi ba muna tayo kakain,” simangot nito. “Sabi ni kuya kumain ka na,” sabay turo sa guard na nagulat dahil tinuro niya. “Lugaw lang yun, saka tokwa at kwek-kwek, tunaw na yun sa tagal mong dumating,” reklamo nito. “Grabe, saan mo ba nilalagay kinakain mo?” saka ito tiningnan mula ulo hanggang paa, dahil sa lakas nitong kumain hindi naman ito tumataba. Magsasalita pa sana ito pero inunahan na niya ito. “Sige na.. sige na.. ano bang gusto mong kainan.” “Yun oh! hahaha ang sweet naman pala ni Sir,” saka muling tumawa. Pagtingin naman niya sa dalaga ay naka ngiti na din ito saka nag thumbs up sa guard, napangiti na rin naman siya ng makita itong nakangiti bigla na lang nawala ang inis niya dito kanina ng makita itong may lalaking kausap. Kaya bago bumalik sa Condo ay dumaan muna sila sa isang restaurant na nadaan nila. Pagpasok nila sa restaurant ay binati sila ng babaeng naka tayo sa pinto. “Good evening Sir— Good evening Ma’am,” saka ngumiti pero tinitigan, nito ang dalaga mula ulo hanggang paa saka tumaas ang kilay nito, alam niya nakita ito ng dalaga pero baliwala lang ito dito. Pagpasok nila ay napapatingin din dito ang ibang mga customer saka biglang magbubulungan, inis na inis siya sa nakikita niya pero baliwala lang ito sa dalaga saka naghanap na nang mauupuan, napa buntong hininga na lang siya. “H’wag mo nang pansin, hayaan mo sila hindi ko naman yan ikakayaman,” nagulat pa siya nang magsalita ito, nabasa ba nito ang iniisp niya. “Bakit ba kasi ganyan ka manamit?” nagtatakang tanong niya. “Anong problema sa damit ko, ang importante hindi ako nagpupunta kung saan-saan ng nakahubad, kung gawin ko yon baka sa mental mo na ako puntahan,” irap nito sa kan’ya. “Bakit ka nagagalit, nagtatanong lang naman, pero kung gusto mo pwede din naman,” aniya na natawa sa sinabi dahil bigla niyang na imagine ang itsura nito. Napa-aray naman sila ng bigla siyang suntukin nito sa balikat. “Ouch!Ano na naman ang ginawa ko?” aniya na hinihimas ang sinuntok nito, hindi niya akalain na malakas pala itong sumuntok sa liit ng kamao nito. “Baka ‘pag nag-hubad ako sa harap mo hindi mo kayanin,” hamon nito. “Talaga, sige nga!” tanggap niya sa hamon nito saka ngumisi. Nang muli itong tumayo para suntukin siya pero hindi na tuloy dahil sa dumating ang waiter para kunin ang order nila. “Hindi halatang gutom ka,” napapangiti sya ng makitang Magana ang dalaga sa pagkain. “Paghintayin mo ba naman ako ng ilang oras e, sinong hindi magugutom,” anito ng hindi siya tinitingnan. Pagkatapos kumain ay umalis na din sila kaagad, saglit na lang ang naging byahe nila dahil wala na rin ang mahabang traffic. Pagkapasok na pagkapasok pa lang sa loob ng condo ay agad siyang na-upo sa sofa saka pumikit. “Aaahhh… nakakapagod!” narinig pa niyang sabi ng dalaga at naramdaman na lumunbog ang bahagi ng sofa, dahil sa pagupo nito. Nagulat naman siya nang humapas ang kamay nito sa leeg niya dahil na-upo itong naka-unat ang kamay. “Ouch!” saka siya napa-diretso ng upo at tumingin dito. “Ay sorry,” ngisi nito. “Alam mo kanina ka pa pag punta pa lang natin sa office, nananadya ka na ata e,” saka niya ito tiningnan ng masama. “Oy, hindi ah, hindi ko sinasadya yon, ikaw ito malapit ang mukha sa akin e,” Sakaya ito umusog palayo sa kanya. Para namang nag-init ang mukha niya ng maalala niya ng hindi nito sinadyan masampal siya, pinahanginan kasi nito ang buhok nito sa aircon ng sasakyan, kahit alam niya na ang gamit nito ay ang shampoo niya pero iba ang amoy nito mas bumango ito ng ang dalaga na ang gumamit, kaya nilapit niya ang mukha para maamoy pa ito pero biglang tumama ang kamay nito sa mukha niya dahil sa hinawi nito ang buhok nito, hindi na lang siya nagsalita dahil alam niya na siya ang may kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD