Isa-isa nang naglalabasan ang mga empleyado pero si Isay ay nasa opisina pa rin ni Seb.
“Nasaan na kaya ang lalaking yon, nakakainis hindi man lang tumawag,” aniya na kinakausap ang sarili saka dumukot sa bulsa ng biglang napatayo siya at may kung anong hinahanap at kinakapa ang buong katawan.
“Sh*t... yung cellphone, pati wallet ko— patay na naiwan ko ata,” saka matamlay na nanapa-upo.
Nag-intay pa siya hanggang 5:30 sa loob, pero wala pa rin kahit anino ni Sebastian ang dumadating.
“Sana pala sumabay na lang ako kay Cherry,” nanghihanayang na sabi niya.
Napatingin siya sa tiyan niya ng kumulo iyon, tanghalian pa siya kumain, hindi naman siya ng coffee break, dahil may tinatapos siya.
Naghanap siya nang makakain sa opisina nito pero wala siyang nakita, pagdukot niya sa bulsa niya ay may nakita siyang isandaang piso kaya lumabas na siya, salabas na lang niya aantayin ang lalaki.
“Bye Ma’am, ingat po sa pag-uwi,” naka ngiti pangsabi ng guard sa kanya.
“Salamat po kuya, saan po ba dito may palapit na karinderya?” Tanong niya.
“Ay naku Ma’am wala pong karinderya na malapit dito, meron dun sa pangalawang street pa, pero siguradong sarado na yun, kumakain po pala kayo sa karinderya?” manghang tanong nito.
“Oo naman po, ano po bang akala nyo sa akin, cawboy ‘to noh!” aniya na tinuro pa ang sarili, natawa naman ito sa kanya.
“Kung gusto nyo po Ma’am, meron dun sa bandaron na nagtitinda ng lugaw, mami na food cart?” turo nito sa dikaluan.
“Alin kuya dun sa may mga nag-uumpukan na ‘yon,” turo niya sa maraming kalalakihan na nakapaikot.
“Oo Ma’am, doon masarap tinda nila doon, kahit mura sulit naman.”
“Talaga, sige po salamat sa Tip... hehe,” saka sumaludo dito at nagpunta na sa lugawan na tinuro nito.
Pagpunta niya dun ay paalisna din ang ibang customer nito, saka siya lumapit sa manong na nagtitinda.
“Manong ano po yung Tinda mo?” tanong niya saka sinilip ang tinda nito.
“Ay naku iha, lugaw na lang ang natira, kanina may lomi saka mami kaso naubos na,” anito.
“Sige po, magkano?”
“Trenta lang, sayo.”
“Ito pong itlog magkano?” turo niya dito.
“E kasama na ‘yan sa lugaw na trenta, pero itong tokwa at kwek-kwek tig sampung piso lang yan,” turo nito sa mga paninda nito.
“Talaga, ang mura naman po, sige po isa dito sa tokwa saka tatlo sa kwek-kwek,” pag kasabi niya ay tinawanan siya ng matanda.
“Bakit ho kayo tumatawa?” nakikiti niyang tanong.
“Bagong salta kaba dito? Ikaw lang kasi ang nagsabi na mura ang tinda ko e, samantalang ang iba nagrereklamo kasi sobrang mahal daw, tumatawad pa nga yung iba,” naiiling nitong wika.
“Ha, e ang mahal na ng bilihin ngayon, ang itlog nga lang nasa six o seven pesos ang isa tapos yung iba n'yo pang gamit, hindi ka makakabili ng sampung piso na luto ng ganito,” sagot naman n’ya.
“’Yun na nga, kaso pare-pareho lang naman din kasi kameng mahihirap kaya hinahayaan ko na,” pagkasabi nito ay inabot nito ang lugaw na order niya saka ang tokwa at kwek-kwek.
Sa isang daang piso niyang pera ay natira nalang ay limang piso dahil bumili din siya ng bottled water na halagang twenty-five pesos. Mag a-alas sais ng nag hapon pero wala pa din ito, kahit kakakain lang ay nagsisimula na naman siyang magutom kaso limang piso na lang ang pera niya, kaya lumapit siya sa nagtitinda ng kendi at binili na lang ito ng lolipop, binili na niya lahat.
Saka umupo sa may flower pot na malapit sa building para kung sakaling dumating ang lokong lalaki na yun ay makikita niya.
Inunat niya ang kanyang paa saka tinukod ang dalawang kamay habang subo niya ang isang lolipop na binili niya sa ale saka tumingala ng nakapikit.
Nasa ganoon siyang posisyon nang may bigla siyang narinig na bumuntong hininga ng malalim, hindi niya ito pinansin pero paulit ulit ito, kaya na pilitan siyang dumilat at nakita ang isang lalaki na nakayuko malapit sa kanya.
Umayos naman siya ng pagkakaupo saka kinausap ito, nagulat naman ito ng magsalita siya, halatang may problema dahil hindi nito na pansin nandoon siya.
“Problema?” aniya ng bigla itong nag-angat ng tingin at tiningnan siya pero ngumiti lang ito.
“Trabaho? Pera? Pamilya o Babae?” aniya saka muling tumingin sa kanya at muling napabuntong hininga.
“Haayy... pwede ba akong mag kwento sayo, tutal naman hindi tayo magkakila saka hindi na rin tayo magkikita, gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko,” anito saka tumingin sa kanya na waring nakikiusap.
“Walang problema ano ba yon?” aniya saka kinuha ang isang lolipop at inabot dito, tinanggap naman nito saka nagpasalamat.
“Four years ago nagmakita kita kame ng mga classmate ko kasama doon ang matagal ko nang crush, pero wala itong gusto sa akin at engage na ito sa long time boyfriend n’ya.. alam mo na ‘pag ganoon kasiyahan, may inuman, diba?” anito na tumigil.
“And then?” hudyat niya dito na ituloy na ang kwento.
“And then nangyari ang hindi dapat mangyari, dalawa nalang kame ng crush ko sa bar, pareho na kaming lasing noon hanggang sakupin kame ng tukso at may nangyari sa amin, galit na galit s’ya sa akin noon,” muli na naman itong huminto.
“Four years na ‘yun diba, hindi ka pa rin nakaka move-on,” tanong niya dito.
“Naka move on na ako, pero alam mo yung guilt nandito pa kasi yun e, yung nakasira ako ng isang relasyon dahil sa katangahan ko,” sabay buntong hininga nito.
“Alam mo kalimutan mo na iyon, sigurado akong kasal na siya sa mahal niya, saka wala ka naman ng ibang ginawa bukod do’n diba, saka hindi lang ikaw ang may kasalanan, kasalanan din nung babae dahil alam niya na may boyfriend na s’ya at malapit ng ikasal bakit niya ginawa un, pareho kayong may kasalanan kaya wag mong sisihin lang ang sarili mo,” sabi niya dito na napangiti sa kanya.
“Isa pa nga din yan sa problema ko e, nagkita kame nang kaibigan niya at sinabi sa akin na nagbunga ang isang gabing pagkakamali namin,” saka ito malungkot na ngumiti.
“What!” nagulat siya sa sinabi nito, kahit hindi niya ito kilala ay parang naawa naman siya dito.
“Bakit hindi agad sinabi sayo nung girl, bakit kaibigan pa nito ang nagsabi sayo?”
“Simula kasi nang mangyari iyon ay lumayo na ako at wala nang balita pa sa kanya, ngayon na lang dahil tumawag sa akin yung classmate namin na bestfriend nya, magkikita dapat kame kaso, nagka emergency s’ya kaya hindi kame na tuloy,” anito.
Kaya pala ang lalim ng buntong hininga nito kasi ang laki ng problema e. naiiling na lang siya para dito.