Busy si Seb sa pagawa ng summary para maging guide ni Isay, nang tumunog ang kanyang cellphone, pag-taas niya ng kanyang mukha ay napatingin siya sa dalaga na kasalukung busy din sa pinapa-sort niyang mga files.
CALLER: Unknown number
Iyon ang naka register sa kanyang cellphone, napakunot ang kanyang noo.
‘Sino naman kaya ito?’ tanong niya sa kanyang sarili .
“Hello?” aniya.
“Hi Sebastian, how are you?” wika ng nasa kabilang linya.
“Yes, who is this?” tanong niya ng hindi mabosesan ang kausap.
“Oh my God, you forgot me na, I hate you!” maarteng tugon nito.
Saka niya ito nakilala dahil sa maarteng pananalita nito, ito ang best friend ni Mara nanagpunta sa America matapos ang kanilang graduation at uuwi sana sa kasal nila ng kaibigan nito, pero sa libing na nito ang nakita ang matalik kaibigan, matapos ang araw na iyon ay hindi na sila nagkita o nag-usap man lang huling balita niya ay bumalik na ito sa America.
“Oh I’m sorry, is this Margie Montenegro?” pang aasar niya dito.
“Oh my God, Sebastian Monteverde, nawala lang ang kaibigan ko pati ako kinalimutan mo na, siguro may iba ka na?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Hahaha I’m just kidding, how are you by the way? nandito ka ba ngayon sa Pinas?” tanong niya.
“Yeah, kaya nga tumawag ako sayo e, can we just met I have something to tell you?” anito na hindi niya mawari kung ano ang mararamdaman niya at bakit siya nito gustong makausap.
“Sure why not, kailan ba?” tanong niya na pinasigla ay tinig kahit sa totoo lang ay medyo kinabahan siya, na hindi niya maintindihan kung bakit.
“Pwede ka ba ngayon?”tanong nito.
“Sure, saan tayo magkikita?”
“I-text ko sayo ang address, tawagan mo ako pag malapit ka na.”
“Sige.. okay.. bye!” saka niya binaba ang cellphone.
Hayyy... napabuntong hininga siya matapos ang usapan nila, muli kasi niyang naalala ang kasintahan niya.
Paglingon niya ay nagtama ang mata nila ni Isay, pero agad din itong nag-iwas ng tingin, tumayo siya at lumapit dito.
“Isay aalis muna ako, ibibilin na lang kita kay Cherry siya na muna ang bahala sayo, may importante lang akong pupuntahan, babalikan na lang kita mamaya,” sabi niya dito na nakatingin lang sa kanya.
“Anong oras?” maya-maya ay tanong nito.
“Hmmp... hindi ko sigurado tatawagan na lang kita,” aniya dito, nagulat pa siya ng nilahad nito ang palad.
“Ano yan?” tanong niya.
“Number mo... wala akong cellphone number mo?” iiling iling pa itong tumingin sa kanya.
Siya din naman ay hindi naalala na wala din pala siyang number nito, matapos maibigay ang number niya sa dalaga ay tinawag niya si Cherry at binilin ito dito, saka nagmamadaling umalis.
Mabagal ang pag-usad ng mga sasakyan sa edsa dahil sa traffic, hindi mapakali si Seb at kinakabahan, kung bakit ay hindi niya alam.
Maya-maya ay na recieved niya ang text ni Margie na magkita daw muna sila sa isang Mall sa Edsa, dahil wala itong dalang sasakyan.
Pagdating sa Mall kung saan sila magkikita ay dumiresto agad siya sa restaurant kung nasaan ito.
Pagpasok palang niya ay makikita na agad ang isang magandang babae na blonde ang hair na nakasuot ng red crop top and faded ripped jeans na tinernohan ng black sandals na may four inches heels, naka taas ang buhok nitong blonde at nakasuot din ng malaking hikaw.
Nang tumingin ito sa gawi niya ay agad itong kumaway.
“Seb dito!” tawag nito sa kanya saka tumayo at sinalubong siya.
Sa taas niyang 6ft ay halos pumantay na ito sa kanya, hindi maikakaila ang pagiging modelo nito sa America, nakipag beso-beso ito sa kanya.
“How are you? lalo tayong gumagwapo ah.”
“I’m good, and you?” aniya nang pareho na silang naka upo .
“I’m pretty good,” anito saka dumating ang waiter, matapos silang mag order ay tinanong niya ito.
“By the way, ano pala yung gusto mong sabihin kaya mo ako pinapunta dito?” hindi na makapag-intay na tanong niya.
“Alam mo mamaya na natin yan pag usapan, kamusta ang negosyo? Sila Tita at Tito kamusta?” pag-iiba nito.
“Sila Mama ayos naman, nasa LA sila ngayon nagbabakasyon, ang negosyon, maayos pa din naman.” Aniya.
“E ikaw kamusta ka na? May girlfriend ka na ba?” naka ngiting tanong nito.
Natawa naman siya ng pagak sa tanong nito, “Ako bakit mo naman na tanong ng ganyan?” balik niyang tanong.
“Seb, its been three years, bakit hanggang ngayon wala ka pa din bang nakikita?” malungkot na tanong nito.
“Haayy.. hindi ko din kasi alam e, sa tuwing may lumalapit sa akin pakiramdam ko pinagtataksilan ko si Mara,” malungkot niyang tugon.
“Seb, pagbigyan mo naman ng pagkaaktaon na lumigaya ang sarili mo, matagal nang wala ang kaibigan ko, sigurado naman akong matutuwa siya ‘pag makita ka n’yang maliga,” anito na malungkot na tumingin sa kanya.
Naputol naman ang usapan nila nang dumating ang order nila, matapos kumain ay pupunta sila sa Pampanga, ngunit hindi pa man sila nakakalabas ng Edsa ay agad din silang na pabalik sa Manila.
Tumawag kasi dito ang kasambahay nito dahil sinugod daw ang Ina nito sa Ospital dahil sa hypertension nito, dumiretso agad sila sa Manila Hospital kung saan dinala ang Ina nito.
“Seb pasensya ka na ha, naabala pa kita sa ibang araw na lang tayo pumunta sa Pampanga, hindi ko kasi inaasahan na mangyayari ito e,” hingi nito ng paumanhin.
“Walang problema, pero ano ba ang pupuntahan natin sa Pampanga?” naiintriga na kasi siya sa gusto nitong sabihin sa kanya.
“Ahmmp.. sasabihin ko sayo ‘pag nandon na tayo, tatawagan na lang ulit kita, matagal pa naman ang balik ko sa America e, sige Seb salamat ulit,” saka ito yumakap sa kanya at pumasok na sa loob.
Malalim ang iniisip ni Seb ng sumakay siya ng sasakyan, saka bigla siyang may naalala, kaya kinuha niya ang kanyang Cellphone at dinial ang numero ni Isay, madilim na rin kasi at siguradong matatagalan siya dahil rush hours na baka abutin na siya ng gabi at paunahin na itong umuwi.
Pag dial niya ay may biglang tumunog sa pasenger seat, nang hanapin niya ang tumutunog ay nakita niya ang isang cellphone nanakasiksik sa upuan at ang numero niya ang rumehistro doon.
Sh*t... napamura siya kaya nagmadali niyang pinaandar ang sasakyan.
Mag aalas syete na ay wala pa siya sa Ortigas ang dapat ng half hour na byahe ay inaabot ng dalawang oras, nag-aalala na siya sa dalaga kung ano na ang ginagawa nito.
Umuwi na kaya ito? Dumiretso na kaya ako sa Condo kaya lang paano kung nandon pa iyon ay iniintay s’ya.
Mga tanong sa isip niya, kaya dumiresto na lang siya sa kumpanya, at kung sakaling wala ito doon saka na siya uuwi.
Pagdating niya sa building ay agad siyang binati ng guard, bago pumasok ay tinanong niya ito.
“Naka uwi na ba ang lahat ng empleyado?”
“Yes, Sir wala na pong tao sa loob,” pag kasabi nito ay para siyang nakahinga ng maluwag.
Pag-uwi ni Seb sa Condo ay walang tao, patay ang ilaw ng bukasan niya ang pinto ng Condo, agad siya pumasok sa kwarto na tinutuluyan nito pero wala ito pumunta din siya sa CR, tinawag niya ang pangalan ng dalaga pero walang sumasagot.
Lalabas na sana siya ng mapansin ang itim na nakapatong sa lamesa, pag tingin niya ay wallet ito ng dalaga, nag madali siyang bumalik sa opisina.