Chapter 24

1339 Words
Sh*t Napamura na lang si Isay sa sarili nang mapatitig siya sa mata ng lalaki, ayaw kasi nitong ibigay ang sandok kaya hinila niya ang kwelyo nito, hindi naman niya akalain na paglingon niya katapat na nang mukha niya ang mukha nito, para siyang namamagnet sa tuwing napapa-tingin sa mata nito. “Hmmp kung hindi lang maganda ang mata mo, dinukot ko na yan,” aniya sa sarili saka ito tinulak. Natapos silang kumain ng walang salitaan, pareho silang nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Papasok na siyang sa kwarto ng magsalita itong muli. “Alas otso, aalis na tayo,” Anito. “Saan tayo pupunta?” takang tanong niya. “Malamang sa Opisina, may iba ka pa bang pupuntahan?" anito na naka taas ang kilay. “Masama bang mag tanong?" aniya saka ito tinalikuran. Paglabas niya para maligo ay wala na ang lalaki sa sala, siguro ay nasa kwarto na nito, kaya dumiretso na siya sa banyo, dinala na niya lahat ng damit niya para doon na siya magbihis mahirap na baka makaisip na naman ito ng kalokohan. Hindi pa rin siya nakaka bili ng sariling gamit kaya no choice s’ya kundi gamitin ulit ang gamit ng lalaki, siguro ay mamaya na lang siya pag-uwi mamimili ng personal niyang gamit. Hindi niya din maintindihan ang lalaki bakit kailangan pa niyang pumasok na, Friday na tapos kinabukasan wala na ulit pasok bakit hindi na lang sa Monday s’ya mag-simula, gusto din kasi niyang puntahan ang kaibigan. Paglabas niya ng banyo nakita niya ang lalaki na lumabas sa kwarto niya at nakangising tumingin sa kanya. “Anong ginawa mo doon?" aniya na siningkitan ito ng mata. “May kinuha lang ako doon na gamit ko, kinakatok kita kanina hindi ko alam na naliligo ka na pala,” anito saka mgumisi ulit. “Sigurado ka ha?” banta niya dito. “Bakit masama na bang pasukin ang sarili kong condo?” anito na kinatahimik n’ya. Inirapan niya ito saka nilampasan at pumasok sa kwarto, pabagsak niyang sinara ang pinto. “Bwisit!” aniya saka pinatuyo ang buhok. Maya-maya ay kumatok na ito sa pinto. “Aalis na tayo,” tawag nito. “Oo palabas na,” paglabas niya napatingin siya dito dahil pinasadahan siya nito ng tingin saka napangiwi. Napataas naman ang gilid ng kaniyang labi dahil sa paraan nito ng pagtingin. “Secretary ka ba o gangster?” anito na napapangiwi pa din. “Bakit ang problema dito sa suot ko?” sabi niya sabay ayos sa blazer na suot niya. Nakasuot siya ng black slacks saka tinernohan niya ng white shirt na naka tuck-in at pinatungan niya ng oversize na blazer, sinuot din niya ang kanyang white sneaker para mabilis siyang makakilos, kung sakaling maraming iutos ang mokong na ito. “Tingnan mo nga yan, ang luwang ng slacks mo wala ka bang skirt, saka yang blazer mo, anong tingin mo d’yan jacket,” sabay hawak pa nito sa blazer niya. “Ano bang pake mo sa suot ko, fashion ko 'to... fashioon... walang paki alamanan,” saka niya ito nila lampasan habang napapailing sa kan’ya. “Saan ka pupunta, nandito ang kotse o!” anito sabay turo sa kotse nito nanakaparada katabi ng isang pulang kotse. “O baka naman iniisip mo na kaya mo din lakarin ang edsa,” nang aasar itong ngumiti sa kan’ya. Hindi na lang niya ito pinansin at sumakay na lang sa sasakyan nito, habang papalabas sila ng parking area ay binaba niya ang salamin ng sasakyan nito saka nag suklay ng buhok dahil itatali niya iyon, kaso medyo basa pa iyon kaya itinutok niya sa aircon ng sasakyan nito, pag flip niya ng kanyang buhok ay tumama ito sa mukha ng lalaki, maririnig mo ang hampas ng basa niyang buhok sa mukha nito na hindi niya na pansin na nakayuko pala malapit sa kanya. Pagtingin niya dito ay hawak nito ang mukha at nakamulagat ito sa kanya, napansin din niya na namula ang pisngi nito, tumama din pala ang kamay niya dito. “Oww.. sorey, masyado kasing mahaba ang buhok ko. Sorey!” aniya saka tumawa ng malakas kasi sa itsura nito na nagulat. Pinigil niya ang pagtawa niya baka kasi pababain siya ng sasakyan, pero hindi niya mabigilan ang mapasulyap dito saka tatawa ng mahina. “Ano gusto mong bumaba?” inis na tanong nito sa kanya. Bigla ay inipit niya ang kanyang labi sa bibig para pigilan ang pagtawa at tumingin na lang sa labas para mabaling sa iba ang iniisip niya. Walang isang oras ay narating nila ang opisina nito, binati itong guard saka naman napapatingin sa kanya, nginitian lang niya at saka ngumiti din naman sa kanya. Napapansin din niya ang panay tingin ng mga empleyadong nadadaan nila sa lalaki na kinikilig habang nagbubulungan, saka lilipat ng tingin sa kanya. Pag napapatingin ang mga ito sa kanya ay tinataasan lang niya nang kilay ang mga ito, na nagpapasimangot sa mga mukha nila mabubura na dahil sa make-up. Dumiretso sila sa opisina nito, pero bago pumasok ay may tinawag itong babae at may pinakuha na dokumento. Pagpasok nila sa opis nito ay pinaupo siya sa sofa. “Ang p’westo mo dun sa labas, pero ngayon dito ka muna sa loob dahil ituturo ko sayo yung mga kailangan mong gawin,” saka tumingin ito sa kanya ng dahil hindi siya sumagot. “Maliwanag ba?” nakakunot noo nitong tanong. “Okay,” sabi lang niya. Napabuntong hininga ito, “Isa pa, pwede bang ‘pag nandito ka sa trabaho umakto kang tunay na secretary ko, hindi ganyan sumagot sa boss mo, bigyan mo naman ako ng kahihiyan sa empleyado ko!” saka nameywang sa kanya. “Okay,” sagot ulit niya na hindi pinapasin ang sinasabi nito dahil nililibot niya ang paningin sa loob ng opis nito, napakamot na lang ito sa sariling batok. Maya-maya ay kumatok na ang babaeng inutusan nito kanina, saka inabot sa Amo nito ang papeles na hinihingi. “Hi, bago ka? Ikaw ba ang papalit kay Jonna?” nakangiting tanong nito sa kanya. “Oo, pero pansamantala lang,” saka ngitinian din niya ito. “Ah ganon ba, by the way ako si Cherry, ikaw?” “Isay na lang,” tipid niyang sagot. Naputol ang usapan nila ng tawagin ng lalaki si Cherry. “Ghurl halika, ilibot daw muna kita dito sa opisina para mapamilyar ka sabi ni Sir,” anito saka hinila siya palabas ng opisina ng lalaki. Habang iniisa isa nila ang bawat department sa building ay hindi din matapos ang tanong ng babae sa kanya, masarap itong kausap, hindi ka maboboring dahil hindi ito nauubusan ng kwento. “S’ya nga pala, pano ka naging secretary ni Sir?” tanong nito. “Ah, may nagrecomend lang saka hindi naman ako permanent dito, hanggang makabalik lang yung dati nyang secretary,” ngiti niya. “Ah, bakit naman hindi permanent pwede naman kayong dalawa ni Jonna ah, saka may iba ka bang work?” “Hindi nakiusap lang kasi sa akin ang kakilala ko e, hindi ko naman matanggihan kaya pinagbigyan ko na.” “Ay iba ang taray, may nakikiusap,” pabiro nito sa kan’ya. Nginitian lang niya ito at nagpatuloy na sila sa paglilibot. Hanggang makarating sila sa Canteen. “Dito na lang muna tayo, malapit na din naman ang coffee break,” anito. “May coffee break,” tanong niya alam kasi niya luch lang ang break time. “Oo ghurl, grabe ka parang hindi ka nagtrabaho sa ibang kumpanya, rich kid ka siguro?” saka siya tinaasan ng kilay. “Ay grabe, hindi naman, sa trabaho ko kasi wala kameng time, pag nakaramdam kame ng gutom ay kakain lang kame, pero yung lunch time ‘yun lang ang pinaka break namin ang importante matapos ang trabaho sa oras,” paliwanag niya sa oras ng trabaho nila sa hasyenda. “Dito ghurl, tatlo ang break time, dalawa ang coffee break isa sa alas dyes, isa sa alas tres, saka yung lunch time sa alas dose,” paliwanag nito saka mag punta sa counter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD