Napaluhod si Seb nang ihampas sa kanya ng dalaga ang hawak nitong kahoy, hindi niya alam kung saan nito iyo na kuha.
Iika-ikang pumasok siya sa kanyang kuwarto, saka nagbihis bago tawagan ang kanyang kaibigan, pagtingin niya sa binti ay pulang pula ito dahil sa lakas ng pagpalo sa kanya.
“Bro, yung kapatid mo ba ang sinasabing mong secretaty na kilala mo,” kakasagot pa lang nito ng telepono nito ay bunungaran niya agad ng sermon ang kaibigan.
“Hindi mo pa ata sya sinabihan at ang alam pa niya na sayo itong condo na ito,” inis na sabi niya sa kaibigan, pero tumawa lang ito.
“Pasensya na bro, saka kakatawag lang din niya sa akin nasa meeting kasi ako kanina kaya hindi ko siya na sundo, hindi ko na din naalala na sabihin pa sa kanya,” paliwanag nito.
“Alam mo bro sa susunod na may tatawag sayo, morge na at kukunin mo na ako doon.”
“Bakit, ano ba ang ginawa n’ya?” takang tanong nito.
“Pinalo lang naman niya ako sa binti ng kahoy na hindi ko nga alam kung saan nito na kuha, balak pa ata akong lumpuhin ng kapatid mo e,” reklamo niya dito.
“Hahaha... pasensya na bro, kasalanan ko hindi ko sya nasabihan,” hingi ulit nito ng pasensya.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko, so anong balak mo bakit siya ang pinamunta mo?” tanong niya.
“Well, may deal kasi kame ng kapatid ko na yan, ikaw na bahala sa kanya hindi mo kailangan sya bigyan ng special treatment kung kailangan na pgsabihan mo, pagalitan mo, basta ikaw na bahala sa kanya ipinauubaya ko na sya sayo... hahaha.”
“Ano ‘to... gagawin mo akong yaya ng kapatid mong amasona,”
“Hahaha ikaw na bahala sa kanya Bro, sige na may gagawin pa ako.. bye.” sabi nito sabay nawala sa kabilang linya, naiiling nalang siyang tiningnan ang telepono.
Maya-maya ay tumunog na ang t’yan nya, dahil sa busy ay hindi na niya naalalang kumain, kaya naman ng pag-pasok niya sa condo kanina ay naamoy niya agad ang mabangong ulam na nakita niya sa lamesa, alam niya na ngayon ang dating ng bagong secretarya niya pero ang hindi niya alam ay si Isay yon, kaya ng makita niya ang niluto nito ay natakam siya.
Nang titikman sana niya ito ng maramdaman niya na may tao sa likod niya, pagtingin nya ay nagulat siya ng makita ang dalaga at ang kamay nitong may hawak na kahoy.
Napapailing na lang si Seb sa naalala sabay tingin sa binting kulay green na dahil sa pagpalo ng dalaga.
Paglabas niya ng kwarto ay luto na ang kanin na nasa rice cooker, pagtanggal niya sa saksakan ay tinawag na niya ang dalaga, pagbukas nito ng pinto sa kwarto ay nakasimangot ito sa kanya, parang kahit minsan ay hindi siya nito nginitian, ang sungit nito pagdating sa kanya, pero pag ang lalaking kasama nito sa kwarto at ang mayor na iyon ay iba ito, kung makangit at maka tawa wala ng bukas.
Habang pinagmamasdan niya itong maghugas ng pinagkainan nila ay iniisp niya kung ano ipapagawa niya dito, dahil hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin. Bwisit din kasi ang kaibigan niya dahil wala itong sinasabi sa kanya, hilig nito ang mga pasikretong galawan.
“Bukod sa pagiging katulong, secretary ano pa mong gawin?” tanong niya saka tumingin sa TV.
“Kaya kong bumali ng leeg ng tao,” napalingon naman siya dito.
Napalingon siya dito at napangisi, alam niya hindi siya nito sasgutin ng maayos dahil naiinis ito sa kanya kay sinabayan nya ang pang-aalaska nito.
“Talaga,” sabay taas niya kilay “Sabagay nalampasan mo nga ang ankconda e,” asar niya dito sabya ngisi.
Na lalong nagpainis dito saka siya inambaan at hahagisan ng hinuhugasan nitong pinagkainan.
“Oops.... oppss wag mong ibabato yan, ikakaltas ko yan sa sahod mo, usapan naman namin ng kuya mo wala syang ibibigay na allowance mo at tanging sahod mo lang ang gagamitin mo, kaya kailangan mong sumunod sa akin kung hindi, pupulutin ka sa lansangan,” pang-aasar niya dito kahit wala namang sinabi ang kuya nito sa kanya.
Natatawa siya nang hindi na ito pumalag sa sinabi niya at tinuloy ang ginagawa, saka pinatay na ang TV at tumayo, papasok na sana siya kwarto niya nang may naalala siya.
“S’ya nga pala, bukas na ang start mo kaya gumising ka nang maaga, saka yung mga damit doon sa drawer—” napatigil siya sa sasabihin nang bigla itong humarap at sinamaan siya ng tingin.
“Ano?” anito saka pinalaki ang mata nito .
Natawa naman siya sa itsura nito, na parang laging makikipag away sa kan’ya.
“Wag mong itatapon sa labas ah!” saka niya itong nginitian, at iniwan na halatang inis na inis sa kanya.
“Aanin ko naman yun, hindi ako ng susuot ng ganon, isaksak mo sa baga mo,” narinig pa niyang sabi nito.
Nilingon niya ito saka sinagot “ Talaga lang ha, panindigan mo yan.” Saka tumatawa siyang pumasok sa kwarto.
“Itaga mo pa sa bato,” pasigaw pa nitong tugon.
Napapangiti at naiiling siya sa naiisip.
Alas singko at trenta minuto ng magising si Seb kinabukasan, maaga siyang nagising kahit alas nuwebe pa ng umaga siya pupunta sa opisina, naghihikab pa na lumabas ng kwarto niya.
Nagulat pa siya ng makita ang dalaga na nagluluto, ang aga naman nitong magising.
“Ang aga mo naman magluto,” tanong niya na kinagulat nito.
“Ay p*ke,” anito na muntik pang mabitawan ang hawak na sandok.
Natawa naman siya sa sinabi nito, “Nasaan?” aniya saka kunwaring hinap ito.
Sa inis nito ay hinampas na siya nito ng sandok na hawak, hindi niya alam kung bakit sa tuwing magkakalapit sila ay lagi silang nagaaway, para silang aso’t pusa, napaka bilis kasi nitong maasar, pero siya naman ang laging nasasaktan dahil sa lagi na lang siya nitong pinapalo ng kung anong mahawakan nito.
“Ahh!! Ahh! Ano ba... itigil mo na yan, masakit ah!” aniya saka inagaw dito ang sandok.
“Alam mo bwisit ka talaga, ang aga-aga,” naka simangot ito sa kanya.
“Ina-ano ba kita, lagi mo na lang akong sinasakatan, malulumpo mo na ako sa susunod n’yan,” ngisi niya.
“Alam mo sira ulo ka talaga, akin na nga iyan” sabay kuha nito sa sandok, pero iniwas n’ya.
“Ayoko, mamaya paluin mo na naman ako,” saka ito tinaas.
“Akin na yan masusunog na niluluto ko,” anito sabay hawak sa kwelyo ng damit niya sabay hila kaya naman napayuko siya.
Halos magkadikit na ang mukha nila, nakatingin ito sa hamay niya na hawak ang sandok at nang humarap ito ay nagkadikit pa ang ilong nila, napatitig naman siya sa bilugan nitong mata at ganun din ito sa kanya, hindi niya sinadyang mapalunok siya at napa kunot-noo naman ang dalaga sabay tulak sa kanya saka tumalikod at binalikan ang niluluto.
Natahimik naman siya at inayos niya ang damit saka nilinis ang lalamunan na parang nagbara, at pakiramdam din niya ay nalunok niya ang sariling dila, at umid siya nang mga oras na iyon.
“Ahmmmp,” saka umupo sa lamesa.
Hindi na rin nagsalita ang dalaga, kanina lang ang ingay nilang dalawa ngayon naman feeling mo kung may huhulog na karayom maririnig mo, kaya para mawala ang awkward moment nila ay nagsalita s’ya.
“Coffee please!” aniya saka ngumiti ng tumingin ito sa kanya pero nawala din dahil sa masama ang pagkakatingin nito.
“Magtimpla ka ng sayo, hindi mo ako katulong,” aasar na naman ito.
“Para kape lang e,” bulong niya pero narinig pa din nito.
“Alam mo.—”
“Oo... Oo na... eto na... eto na magtitimpla na ako ng kape ko,” putol niya sa sasabihin nito sabay taas ng kamay at tumayo para magtimpla na, baka kasi matuluyan na siya paglamayan.