Narinig pa niyang napamura ito.
Sh*t.... sabay tayo, siya naman ay parang nasisiyahan sa nakikitang pagkataranta nito, pero hindi nagtagal ay nagsungit na naman ito.
“Pwede ba tantanan mo ako,” galit na baling nito sa kanya, hindi niya alam bakit parang natutuwa siyang makita itong naiinis.
Ang cute kasi nitong magalit dahil namumula ang muka nitosaka lalong bumibilog ang mga mata nito.
“Pupunta lang ako ng kwadra kaya kung p’wede tantanan mo ako.” Dagdag pa nito, siya naman ay nakikiti lang na pinagmamasdan ito.
“Tumatakas ka sa gawain mo, gusto mo talagang mapagalitan ah!” nangingiting asar pa niya dito .
“Wala akong paki alam kahit magsumbong ka, pupuntahan ko lang ang alaga ko kaya d’yan ka na,” galit na tinalikuran siya.
Wala rin naman siyang ginagawa, saka nag eenjoy siyang asarin ito kaya pinigil niya ito para sumama.
“Sandali hindi na kita isusumbong sama mo na lang ako,” aniya sabay hawak sa kamay nito.
Pero hinila nito ang kamay nito saka tinalikuran siya.
“Bahala ka sa buhay mo, sumunod ka kung makakasunod ka,” anito saka mabilis na naglakad.
“Ang lambot ng kamay mo ah, halatang lagi kang tumatakas sa gawaing bahay,” pero hindi siya nito pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
Nagulat naman siya ng bigla itong huminto at humarap sa kanya, kaya naman ay nabunggo niya ito at na out off-balance s’ya, buti na lang at nahawakan niya ito sa beywang, kaya namula na naman ang mukha nito.
Pero bigla din siya nitong tinulak, ang liit ng beywang nito hindi halata kasi ang luluwang lagi ng mga damit na suot nito, pinagmasdan din niya nang pang-upo nito.... hmmp sexy, aniya sa isip na ikinatawa niya.
Mukhang narinig ng dalaga ang tawa niya kaya lalo nitong binilisan ang paglalakad, natutuwa talaga s’ya pag naasar ito.
***
Hindi nagtagal ay nakarating na din sila sa kwadra ng mga kabayo at halatang halata na lagi dito ang dalaga dahil kilalang kilala siya ng mga ito, kahit ang mga kabayo ay maamo sa kanya.
Napagkamalan pa siyang boyfriend nito, naku pagnalaman iyon ng kaibigan baka sabihin na hindi pa man niya nakikilala ang kapatid ay may nalilink na sa kanya, pero natawa na lang siya sa naisip, pero ito naman babaeng ‘to mukhang pinaglihi sa pagsusungit.
“Bwusita po ni kuya Dom, naku lagot kayo, sumbungero pa namn yan,” sabay irap sa kanya, ‘wag lang maipitan ng ugat to kakairap dahil hindi niya ito tutulungan.
“Ako sumbungero, sinamahan pa nga kita dito e,” aniya na lalong inasar ang dalaga.
Sumingit naman ang isang tauhan doon “Oy, hindi pa man nag-aayaw na,” tusok nito na sinabayan na rin niya.
“Paano inaaway nya ako,” saka s’ya ng pout lips pero hindi siya pinansin dahil natuon ang tingin nito sa paparating na kabayo na agad naman sinalubong.
“Ummp, namiss ko yang si Sebseb,” saka nito hinalikan ang kabayon.
“Buti pa ang kabayo na hahalikan,” sabay ngisi dito sabay sigawan ng nakarinig.
“Pahalik ka sa aso,” anito sabay alis, iniwanan na naman siya.
Sinundan na lang nila ang papaalis na dalaga.
“Ano ba yan boss ang hina naman natin, tsk… tsk,” ani ng isang boy.
“Iyan pa bang si Isay titiklop, kung ganyang banatan lang ang porma, wa epek yan..hahaha,” singit ng isa.
“Eh, paano bang mapapatiklop ang isang ‘yon,” ngisi niya na sinabayan ang kalokohan ng mga ito.
“Diskarte mo na yan boss, eto si Rob ipahihiram ko muna ‘to sayo, mabait ‘yan, pero siguraduhin mong mapapatiklop mo si Isay... hahaha,” sabay abot sa kanya ng renda ng kabayo.
“Siguraduhin mo boss na titiklop ‘yan,” nakangisi pang singit ng isang boy.
“Ako pa, siguradong titiklop ‘yan sa akin,” sabay tawa sa sinabi niya.
“Yan ang gusto namin,” saka ito ng thumbs-up.
Ang bilis mangabayo nito, nahirapan siyang habulin buti na lang at marunong siyang sumakay ng kabayo dahil kung hindi ay naiwan na siya nito ng utuluyan.
Nang maabutan ay nakita niya itong paakayat ng puno nang mangga.
“Anong gagawin mo?” tanong niya sa nagulat na dalaga.
“Wala ka ba talagang alam gawin kundi mang gulat, saka bakit kaba sunod ng sunod ang luwang-luwang ng pwede mong puntahan sa akin ka sunod ng sunod, hindi po ako tour guide,” inis na inis nitong sabi sa kanya, samantalang siya ay hindi pinansin ang sinabi nito kasi para itong galit na monkey na nakalambitin sa puno ng mangga.
“Problema mo?” galit na tanong nito saka siya pinalakihan ng mata.
“Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin, wala naman akong ginagawa sayo saka ikaw nga itong gustong bumasag ng bungo ko tapos ikaw pa yang masungit?” aniya habang nakangisi ng maalala yung nangyari.
Na lalong nagpainis dito, pero maya-maya ay inalok siya nito ng mangga.
“Gusto mo?” walang emosyon nitong tanong, kinabahan nmn sya mukhang may binabalak.
“Kung bibigyan mo ba ako e,” aniya dito.
Nang bigla siya nitong hagisan buti na lang at nasalo niya, ilang beses pa nitong hinagis ang mangga.
“Teka nanadya ka ba?” ania dito dahil ahalatang binabato siya ng mangga kung ndi lang niya nasasalo malamang na sa mukha niya ito tumama.
“Anong nananadya, ikaw na nga itong binibigyan ikaw pa nag rereklamo,” patay malisya nitong sagot.
“So hindi ka galit kaya kung ibato mo yung mangga ganon na lang.”
“Alam mo kung ayaw mo e di wag, ikaw na nga lang ang binibigyan ikaw pa ang galit,” sagot nito.
Maya-maya ay umalis na sila kahit lagi itong nag susungit ay hind naman siya nito pinapaalis.
“Paano kang natutung mangabayo?” bigla niyang tanong dito.
“Napanaginipan ko pagka-gising ko marunong na ako,” pilosopong sagot nito.
“Wala talaga akong matinong sagat na makukuha sayo e, no?”
“Wala rin naman kasing kwenta yung tanong mo e, malamang nag practice,” simangot nito saka patiunang naglakad.
“Ang panget mong tour guide, saka ang panget mong ka-bonding,” napapailing na lang siya.
“Bakit sinabi ko bang tour guide ako at maki pag-bonding ka sa akin?” na-iiling nitong sagot.
“Ganyan ka ba talagang makipag usapan sa bisita ng amo mo, hindi ka rin takot na mapagalitan e,” pananakot niya dito.
“Hindi sayo lang,” anito sabay irap, napapangiti at naiiling nalang siya sa kasungitan nito.