Paghatak niya ng walis sa babae ay agad din niyang kinapa ang switch ng ilaw sa kuwarto kaya kita niya kung paano na subsob ito sa dibdib niya, na amoy din niya ang mabango nitong buhok, mukhang na silaw ito dahil sa biglaang pagbukas ng ilaw ay napapikit ito, kaagad naman niyang kinuha ang hawak nitong walis dahil baka muli nitong ihampas sa kanya.
Nang magtaas ito ng mukha ay napatitig siya dito dahil sa ganda ng mata nito, makapal na pilik mata at ang mata nitong itim na itim at bilugan, pati na rin ang heart shape nitong mukha, nakasuot ito ng maluwang na damit at maluwang din na short.
Natawa naman siya nang mapansin na nakatitig din ito sa kanya.
“Done eye r****g me?” aniya dito na mukhang na inis sa sinabi niya kaya bigla siya nitong tinulak at inagaw ang hawak na walis.
Mabuti na lang nang ipapalo nitong muli ang hawak na walis ay dumating ang kaibigan niya at sumigaw para pigilan ito.
“Isaayy!” sigaw ng kaibigan.
Naawa naman siya dito nang pagalitan ng kaibigan, wala naman itong kasalanan, siguro napagod sa palilinis kaya nakatulog, mas lalo siyang naawa dito ng makita niyang malapit na itong umiyak, nandoon na rin si Tita at ang ginang kanina sa sumalubong sa kanila.
“Pasensya na hindi ko kasi alam!” anito na tuluyan ng tumulo ang luha nito saka naman hinatak ng ginang siguro ay anak niya ito, saka humingi din ito ng pasensya.
“Bro ayos ka lang ba?” Tanong ng kaibigan.
“Ayos lang bro, hindi mo na sana pinagalitan yung tao mali ko din kasi hindi ko sinagot nung tinanong ako,” paliwanag niya sa kaibigan.
“Haayy, ito talagang si Isay, kakausapin ko na lang siya mamaya,” anito.
So, Isay pala ang pangalan niya, interesting! Aniya sa kanyang isip saka napangiti.
“Tara na muna sa baba para makakain ka na, mamaya ka na lang maglinis ng katawan,” yaya ni tita Tessy.
“Tara bro sa baba, at kakausapin ko muna si Isay,” sabi naman ng kaibigan nya.
“Bro h’wag mo ng pagalitan.” Sabi niya sa kaibigan.
“No, bro hindi ko sya papagalitan, kakausapin ko lang,” natatawang wika nito.
Nailing naman siya sa kinilos ng kaibigan, iba talaga ito makisama sa iba, bilib na talaga s’ya.
Lumabas ang kaibigan niya saka pinuntahan ang dalaga, ‘pag balik nito ay nakangiti na ito, hindi tulad kanina na parang tigre kung sumigaw, pagkatapos nilang kumain ay umayak na rin siya sa kwarto.
Pag bukas pa lang niya ng pinto ay nalanghap na niya agad ang amoy nito na nakaka-gaan sa pakiramdam, hindi masakit sa ilong idagdag pa ang natural na amoy na nanggagaling sa labas na pumapasok mula sa bukas na binta ng kwarto, nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto dahil hindi niya ito napagmasdan kanina dahil sa madilim at hindi nakabukas ang ilaw, ngayon ay makikita kung gaano ito kaaliwalas na naka pagpapagaan sa pakiramdam.
“Maganda pagkakaayos n’ya ah! hmmmp… mabango din,” aniya sa sarili at saka nagtungo na sa banyo.
Kinabukasan ay maaga siya nagising paglabas niya ng kwarto ay makakasalubong niya ang dalaga na agad siyang napahinto dahil nakita niyang may hawak itong walis. Naisip niya baka hatawin naman siya, pero bigla itong tumakbo papasok sa isang kwarto, siguro ay maglilinis ito doon.
“Bro, saan ka pupunta,” aniya sa kaibigang bihis na bihis na nakasalubong niya pagbaba.
“Bro saglit lang ako pupuntahan ko lang si Rox,” anito.
“Bakit, may problema ba?” tanong niya.
“Hindi, na-miss ko lang hahaha,” natatawang sabi nito.
“Pambihira, akala ko naman may problema na, kakakita nyo lang nung isang lingo ah!” nailing na lang siya.
“Noong isang lingo ‘yun, sige bro sandalilang ako, pagbalik ko puntahan na natin agad yung lupa,” anito sabay alis.
Sinundan na lamang niya ang papaalis na kaibigan, narinig pa itong sumigaw at nagbilin sa ginang na nasa kusina.
Pagbaba niya ay sinalubong siya nito.
“Iho halika na sa mesa at ipaghahain na kita,” sabi ng ginang.
“Sige ho, salamat po!”
“Mirna, nanay Mirna na lang itawag mo sa akin, iyon din ang tawag ng mga tao dito sa akin,” anito.
“Salamat po nanay Mirna,” aniya.
“Nasaan po ang iba, sila Tito at Tita ho?” tanong niya dahil mukhang walang tao sa mansion.
“Si Tessy at Rey ay maagang umalis, baka mamayang hapon pa sila makablik, si Ryan naman ay umalis din kasama ang mag-ina n’ya bibisitahin ata ang kanyang byenan,” paliwanag nito.
“Eh! ‘yung bunsong kapatid po ni Dominic para hindi ko nakikita,” usisa niya.
“Ay naku yung batang ‘yon, nandyan lang iyon pagala-gala, hindi mo talaga makikitang mag stay yung dito, dahil ikot ng ikot yon sa hacienda, mas gusto pa noong maglagi sa kwadra kesa dito sa bahay niya,” natatawang sagot nito.
“Bakit ho?”
“Mahilig kasing mangabayo angbatang iyon, kaya nga lagging napapagalitan ng ama,” anito.
Pagkatapos ay hinainan na siya nito ng pagkain, at sinabihang ilagay na lang sa lababo ang kanyang pinagkainan dahil may gagawin daw muna ito at mamaya na nito lilinis iyon.
Pagkakain ay lumabas ng bahay at nakita niya si Ryan sa labas ng mansion, kala niya ay umalis ito.
“Good morning bati niya dito,” lumingon naman ito at binati din siya.
“Hi! Ikaw pa ang business partner ng kapatid ko?” tanong nito at nakipag kamay sa kanya.
“Oo, sabi ni nanay Mirna umalis ka?” aniya.
“Paalis pa lang kame, inaatay ko lang ang asawa ko kaya nagpapainit muna kame ni baby,” anito saka nilaro ang anak.
“Kung ganon ay maiwan muna kita, gusto kasing mag-ikot ikot muna,” paalam niya dito.
“Sige enjoy,” anito.
Habang nagiikot-ikot ay napansin niya ang dalaga na papuntang likod ng bahay kaya sinundan niya ito, pinagmasdan niya ito sa likod na parang magnanakaw na tumatakas.
Napansin din niya na maganda ang hubog ng katawan nito kahit na medyo maluwag ang suot nitong shirt, nagulat pa ito ng mag salita siya.
“Anong ginagawa mo?”
Bigla itong lumingon at tiningnan siya ng masama sabay irap nito.
“Anong ginagawa mo para kang magnanakaw na tumatakas? Gusto mong mapagalitan na naman ng amo mo?” aniya dito pero hindi siya nito pinansin.
Pinagmasdan lang niya ito na pasilip-silip sa harap ng bahay dahil nandoon si Ryan kasama ang baby nito, mukhang nagiisip ito ng paraan para makatakas.
Kaya ang ginawa nya ay lumakad papunta sa sinisilip nito at sinadyang hindi mag kubli.
“Ano bang ginagawa mo mahuhuli ako nyan e,” inis nitong sabi sabay irap sa kanya.
Natatawa naman siya dito hindi ba nito na isip na pwede niyang isumbong ito sa ginagawa niya.
“Ganyan ka ba talagang makipag usap sa bisita ng amo mo?” tanong niya dito.
“Oo baket? Kung ayaw mong kausapin kita ng ganyan tantanan mo ako,” masungit pa nitong sagot sa kanya.
“Gusto mong isumbong kita?” pananakot niya dito saka kunwaring sisigaw ng bigla siya nitong dambahin at takpan ang bibig niya gamit ang kamay nito, dahil hindi niya inaasahan nagagwin nito iyon ay na out of balance siya kaya napahiga siya, nahawakan niya ito sa beywang at nasama niyang nahila kaya napadagan ito sa kanya.