Nag-focus at inabala na lamang ni Isay ang kanyang sarili, upang hindi maisip ang pangde-dead-ma ni Seb sa kanya. Sa sobrang busy ay hindi niya napansin na lunch time na pala kaya pagtaas niya ng tingin ay nagulat siya dahil na katunghay na sa kanya si Dunhill. “Mukhang bising-busy ka ah! Ni hindi mo man lang ako napansin, kanina pa ako nakatayo dito, tara mag lunch na tayo!” yaya nito sa kanya. “Hala, sorry hindi ko napansin, saglit lang at iayos ko lang ito.” saka nagmadaling inayos ang mga documents sa table niya. At sabay na sila nag-punta sa canteen, halos pagtinginan na din sila ng ibang empleyado dahil kay Dunhill, hindi maitikom ang mga bibig ng mga ito sa sobrang pagngiti, na lalo nagpapakilig sa mga ito paggagantihan ng ngiti ng binata. “Iba ka ang dami mong Fans ah!” biro n

