Kakabalik lang nila Isay sa Manila, ang mga magulang at kapatid niya ay dumiretso nang umuwi sa Batangas. Hindi na siya sumama pa para ihatid ang mga ito dahil pagod na rin siya, ang kuya Dom na lang ang sumama pabalik. Kasabay nila pabalik sa condo si Dunhill, at hinihintay na lang nilang dumating ang sasakyan na kanila na-booked. Medyo nahihilo pa siya dahil sa jetlag. “Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Dunhill. “Ayos lang naman ako, salamat. Medyo nahilo lang ako sa byahe.” “Oh! Ayan na pala yung sasakyan e, halika na para makapag-pahinga ka,” saka siya nito inalalayang makasakay. Saka nito nilagay ay ang kanilang gamit sa compartment. Sasakay sana ito at uupo sa tabi ng driver nang unahan ito ni Seb, at doon ito na upo, kita naman sa mukha ni Dunhill ang pag-kagulat. Kaya wa

