“Isay, ayusin mo ang gamit mo at may pupuntahan tayo,” nagulat pa si Isay sa biglang pagsungaw ng ulo ni Seb. Tatanungin sana niya kung saan sila pupunta pero agad din na pumasok ang lalaki sa opisina nito. Kanina pa ito at ang babae sa loob, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang babae sa loob ng opisina nito. Kakatapos lang n’yang ayusin ang gamit ng lumabas ang dalawa, naka-lingkis pa din sa braso ni Sebang babae. Na lalong nagpa-badtrip sa kanya. Kahit na naiinis ay sumunod pa rin siya sa dalawa, sasakay nasana siya sa passenger seat ng harangan at itulak siya ng babae at ito ang sumakay. Napasandal siya sa kabilang pinto ng kotse sa ginawa ng bruhang babae na ‘yon. “Oops— sorry, do’n ka na lang sa likod,” anito bago tuluyang sumakay ng sasakyan. Tiim ang bagang ni Isa

