Hindi na namalayan ni Isay na nakatulog na pala s’ya sa kakahintay sa binata, nag-aalala na siya dito. Dahil kanina pa n’ya ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag n’ya. Pagtingin niya sa orasan sa dingding ay mag aalas-dose na, lumabas siya ng kwarto at na-upo sa sofa. Do’n na lamang niya ito hihintayin, ramdam n’ya na may problema ito at ayaw lang magsabi. Binuksan niya ang TV pero ‘di rin nagtagal ay pinatay din n’ya ito, dahil wala rin naman maganda na pwedeng panoorin. Umayos siya nang upo at saka pasandal na pumikit. Maya-maya ay bigla siyang napadilat dahil sa kaluskos sa labas ng unit, parang pilit na binubuksan ang pinto, kahit na kinakabahan ay dahan-dahan s’yang lumapit sa pinto at pinakinggan kung sino yung tao sa labas. Nang marinig niya ang boses ni Seb ay

