Pauwi na ako sa amin ng may maramdaman akong kaba sa dibdib ko. Di ko lang pinansin dahil ayaw kung mag isip ng kung ano-ano makakasama lang sakin ang mag-isip.
Pagkababa ko sa aming Barangay napansin ko kaagad ang mga batong nakakalat, mga kahoy na wasak-wasak. At mga taong nag-aalsa balotan na. Nagmamadali ako sa paglakad para kamustahin ang mga kapatid ko kung nakauwi na ba sila. At kung ano ang nangyari dito. Sumalubong kaagad sakin ang problemadong mukha nila.
"Ate!" Mangiyak-ngiyak tawag sakin ni Aliyah.
"A-anong nangyari dito?"
"A-ate pinapalayas na ang mga tao dito sa lugar natin. Pumunta mismo ang may ari ng lupang tinitirhan natin." Di na napigilang umiyak ni Aliyah. "Ate saan na tayo titira nito?" Isa pa itong problema ko kung saan kami lilipat. Akala kasi namin na hindi na matutuloy ang pagpapa alis dito yun kasi ang usap-usapan dito sa aming lugar.
"Buti na lang ay hindi nagalaw itong bahay natin dahil pagnagka taon ay baka mas basag-basag na itong mukha ko." Ngayon ko lang napansin din ang mukha ni Zeus na namamaga at may mga pasa ng kaunti.
"Diyos ko! Bakit kapa kasi nakisali! Zeus naman! Halika ka nga dito at gamutin ko yang sugat mo!" Naghanap ako ng bulak at betadine para magamot ko ang mukha niya. "Sa susunod na pumunta pa sila dito ay huwag na kayong sasali pa! Na intindihan niyo ba?! Tayo na ang umiwas! Baka ano oa ang mangyari sa inyo kung makikisali pa kayo. At huwag kayong mag-alala. May naipon naman ako ng kaunti. Gagamitin na kang natin iyun sa paghahanap ng malilipatan. Wala tayong magagawa kung tayo mismo ay kokontra sa kanila. Pagmamay-ari nila itong lugar. Pero sana naman ay hindi nila pinapaabot sa ganitong sitwasyon na magkaka sakitan ang mga tao."
Matapos ko gamutin ang sugad niya ay kumain kami na kami. Napag usapan namin na medyo mag titipid kami ngayon para may maipon pa kami na pera para sa lilipatan naming bahay. Si Aliyah at Zeus na daw ang bahala maghanap ng ma uupahan. Ayaw na kasi nilang iasa pa sa akin ang paghahanap ng malilipatan. Nagpa salamat naman ako sa kanila dahil kahit kapos kami ay heto nag tutulungan kami.
Dumating ang ilang araw ganon parin ang pagtrato sakin ni Zac. Pasakit din sakin ang pa balik-balik ng mga tauhan ng nagmamay ari nitong lupa. Buti na lang ay wala nang may naganap na awayan. Ang iilan dito samin ay nag dadahan-dahan na rin sa pag-aalsa balotan ng mga kanilang gamit. Ang iba naman ay hindi talaga aalis. Pangatwiran nila na dito na daw sila sinilang ng kanilang mga magulang, dito lumaki at tumanda kaya kahit ano daw ang mangyari ay hindi sila aalis. Magkamatayan na.
Kung iisipin tama naman sila pero sa kalagayan ko ngayon? Mabuti ng makahanap ng malilipatan baka ano pa ang mangyari dito at madamay pa kaming magkakapatid lalo na may dinadala akong bata.
"Kayo pala Don Santiago. Napasyal po kayo dito sa mansion." Rinig ko ang sinabi ni Nay Norma. Pinag tataka ko sa haba ng panahon bakit ngayon lang siya pumarito. Hindi ko na nagawang sumilip pa sa kanila.
"Iha may gustong kumausap sayo." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Nay Norma. Kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
"Ito pala si Don Santiago, kilala mo naman siya diba? Siya angAma ni Zacac." Hindi ako deretsong makatitig sa kanya. Na iilang ako sa mga tingin niya.
"Ah O-opo. Magandang hapon po Don Santiago."
"Sige na Norma iwan mo muna kami. May gusto lang akong tanungin sa kanya." Sa tono niya ay kinakabahan ako. Ano ba kasi ang dahilan at napadpad pa siya rito.
"Alam ko na alam mo ang pakay ko. Ikaw si Hailey Delos Reyes hindi ba? May dalawang kapatid sina Aliyah at Zeus. Alam ko din kung saan sila nag aaral." Sa dami ng sinabi niya nakinig ang buong katawan ko. Tila may bumara sa aking lalamunan na hindi ako makapag salita. Lakas loob akong bumuntong hininga bago siya lingonin at tanungin.
"Pinasusundan niyo po ba kami Don Santiago?"
"Lahat ay magagawa ko. Kaya kung ayaw mo may mangyari sa inyo stay away from my son! Dahil sayo nagkaka di leche-leche ang buhay niya. Alam mo bang madami na ang napapa bayaan niya ng dahil sayo? Tell me how much?" Nag init ang mukha ko sa narinig ko sa kanya. Akala niya siguro pera ang habol ko sa anak niya!
"Hindi naman po pera ang habol ko sa anak niyo! Mahal ko po si Zac." Humalakhak siya ng mahinahon sabay tayo niya at nagpa lakad-lakad sa harapan ko.
"Hindi naman ako masamang tao. Ang akin lang ay napapabayaan ni Zac ang kanyang tungkulin. Ayaw ko lang mawala ang lahat, masayang ang pinag hirapan ko. Siya lang ang taga pagmana ng lahat ng meron kami. Kaya nandito ako para sabihin sayo na layuan mo ang anak ko. Kung hindi pera, yaman ang habol mo samin layuan mo ang anak ko. Isa pa his getting married soon. Kilala ko naman si Althea hindi ba? They're are engaged noong umalis siya ng tatlong araw. Nasabi ba yun sayo ni Zac?"
Hindi na ako nagsalita dahil sa sama ng loob. Porke ba mahirap lang ang isang tao ay bawal na magmahal sa mayamang tao. Ang tingin ba nila sa mahihirap ay yaman lang ang habol. At ang mas naikinasakit sakin ay ang sinabi niya na magpapakasal dahil engaged na sila. Kaya pala ilang araw wala siya. Alam ba ito ni Lucas? Kung alam ni Lucas bakit hindi niya sinabi sakin. Ang sama-sama niyo! Sobrang sakit. Ang sakit-sakit!!!
"Oh pano iha. Pag-isipan mo ang sinabi ko sayo. Nakasalalay dito ang kinabukasan niyong magkakapatid." Tuluyan na siya umalis sa harapan ko. Nagmadali rin akong pumunta sa itaas para ibuhos ang luha ko.
Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito? Ngayon pa na nag dadalang tao ako. Ako na lang ang iiwas. Kahit sobrang sakit. Pero dapat ang isipin ko sa ngayon ang mga kapatid ko lalo na ang magiging anak ko. Sa nangyayari ngayon ang anak ko lang ang pinagkukunan ko ng lakas. Mabuti pang magpakalayo-layo para sa ikabubuti ng mga kapatid ko lalo na sa anak ko. Pasensya kana Baby ha kung magpapakalayo tayo. Ngayon alam na natin ang dahilan bakit umiiwas ang papa mo satin. Ang sakit. Sobrang sakit talaga! Wala siyang paninindigan. Magkasintahan pa lang kami pero hindi niya na ako kaya ipagtanggol. Ngayon pa na magkakaanak na kami. Magsama sila ng ama noya lalo na yang Althea!!!! Kaya pala dahil magpapakasal na sila. Akala ko mahal niya ako! Pero hindi pala. Ang sama mo!!!!
Medyo wala namang trabaho sa mansion kaya ginawa namin ni Lisa ay namasyal sa mall. Hindi ko ipagtatapat kay Lisa at Nay Norma ang kalagayan ko. Ayaw kung maka dagdag pa ng problema. Pinag isipan ko kanina ng mabuti para hindi sila makahalata na magpapakalayo ako. Idadahilan ko na lang na ang lilipatan namin malayo-layo. Para ano pa? Ngayon alam ko na ang dahilan ng pag iwas sakin ni Zac. Kung malaman ba niyang magkakaanak na kami ipagtatanggol niya ba kami sa Papa niya? Magpapakasal pa din ba siya kay Althea? Tayo ba ang pipiliin niya Baby?
"Kanina kapa tahimik diyan. Okay ka lang ba?"
"Oo naman. May iniisip lang ako. Problema kasi namin ang malilipatan. Kasi pinapaalis na kami sa lugar namin."
"Talaga ba? Paano na yan? Magpatulong ka kaya kay Sir Zac? Tutulong naman yun sayo pag nalaman niya ang problema mo. Teka nga ano pala ang pinag usapan niyo ng Papa ni Sir Zac?"
"Ayaw ko nang makadagdag pa ng problema sa kanya. Kaya naman namin magkakapatid. Wa-wala naman. Umalis naman kaagad yun." Buti na lang ay abala siya kanina kaya hindi niya nakita si Don Santiago. Si Nay Norma ganoon din kanina ang tinanong sakin. Buti na lang ay madaling humupa ang luha ko kaya hindi gaanong kahalata na namamaga ang mata ko.
"Pero boyfriend mo siya kaya normal lang yan na malaman niya." Pano naman niya malalaman? Kung alam mo lang Lisa ang nangyayari samin. Palagi na lang ako nag sisinungaling sa inyo.
"Tiyaka ko na sasabihin sa kanya pag hindi na siya siguro gaanong ka busy. Tara na nga at gutom na gutom na ako. Gusto kung kumain ng fried chicken ngayon. Jollibee tayo?"
"Kakakain pa lang tayo sa mansion kanina ahh bago tayo umalis. Gutom kana agad?"
"Oo! Huwag kana ngang mag tanong diyan. Treat ko naman sige na dali na!" Panghihila ko sa kanya kaya wala na siyang nagawa.