Zac's POV "No dad! Wala ka bang tiwala sakin? Just give me couple of months!" At binaba ko na ang tawag sa akin ni papa. Ayaw ko munang makausap siya. Silang lahat. Para akong pinagkakaisahan ng lahat. Ilang araw na akong hindi pumapasok at dito sa penthouse lang ako tumatambay. Nagpapakalasing. Di mawala sa isip ko ang ginawa sakin ni Hailey at Lucas. Nakita ko silang dalawa magkasama sa mall sinundan ko sila hanggang pumasok sila sa isang restaurant. Ilang minuto pa ang aking hinintay. Habang tumatagal parang seryoso na ang pinag uusapan nila. Si Lucas na makikita mo sa hitsura niya ang pagkadismaya hanggang sa umiyak na si Hailey at si Lucas ay nagmadaling yakapin siya. Di ko maiwasan ang magalit. Anong meron sa kanila at magkasama sila ngayon. Mas nagduda ako sa kanila ng may pinak

