-Three-
Shiinel's Pov
"Sweetie?"
Lumingon ako to look at the boy who'd always been the source of my happiness. The reason why I smile every single day.
"Yes baby?" I gave him a peck on the cheek bago ko ginulo ang buhok niya.
He pouted. Cute.
"Can I get some chocolate?" He asked while giving me a puppy look eyes. How could I say no?
"Sure. Just dont lose your teeth."
He beamed at me. He know what I mean.
"Don't worry mom, I won't." Then off he go. Yeah, you read it right. Im his mom. A proud one.
Nagbunga ang nangyari sa amin noon ng lalaking yun. A man na hindi ko naman kilala. At first, of course my parents became furious. Sino ba namang magulang ang hindi? Lalo na kung pati sarili nilang anak e, hindi man lamang nakilala kung sino ang ama ng dinadala niya. But, later on natanggap din nila. Siguro nga masasabing blessing in disguise na rin yung nangyari, kasi dahil don nakapag open up ako sa magulang ko.
Nasabi ko lahat ng mga napagdaanan ko and the reason kung bakit kahit alam kong kahangalan ay pinasok ko parin ang ganong sitwasyon. I'm grateful that they understood. They even said sorry sa kakulangan nila. In short, our family tie became stronger dahil sa nangyari. Kaya kahit kailan ay hinding hindi ko yun pagsisisihan.
Then their came Rui, my son. The first time I saw him, hindi ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak sa sobrang saya. Parang gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko kamahal ang anak ko. Ang isang bagay na alam kong akin at walang sinuman ang makakakuha. Right at that moment, sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko lahat ng best ko, sa anak ko.
I want to be the best mom and I want all the best for my child, my treasure.
Pinalaki ko si Rui sa tulong ng pamilya ko. Hindi ko na rin naman kasi mahanap ang daddy niya dahil in the first place e, hindi ko siya namukhaan. Kung sakali man na dumating ang panahon na mag-krus ang mga landas namin at makilala ko siya, hindi ko rin naman ipagdadamot ang anak ko sa kanya.
Wala ako sa teleserye at wala akong balak ipagdamot sa anak ko ang karapatan niya sa ama niya. Hindi ako maghahabol o ano, I can raise my son but of course iba parin yung may kinikilala siyang ama. I know really that their are things na sa ama niya lang niya makukuha and I can do nothing about that.
Kung nagtataka kayo what happened between Lianna and me, well nagising lang naman ako sa katotohanan. Na-realize kong tama ang sinabi sakin ng lalaking yun, na hindi ko dapat pinagsisikan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Dahil pagkatapos ng nangyari sa amin ng lalaking iyon sa Aristocrat Hotel, the day after ay nalaman ko na hindi naman pala seryoso si Lianna sa sinabi niyang isasali niya ko sa grupo niya.
Everything is just a big joke and I lost my virginity for that pathetic joke. Pero hindi ko pinagsisisihan lahat ng yun. Kung magkakaron siguro ako ng pagkakataon ay baka pasalamatan ko pa siya. She's one of the reason why I have my son.
Two months na ang dinadala ko ng matuklasan kong buntis ako so I stopped schooling for a year. Nang makapanganak, I stopped for another year dahil gusto kong personal na alagaan ang anak ko hanggang pag one year old niya. I want to personally experience how good though stressful being a mother is. I can't help but smile everytime I remember those days. Sobrang saya. Sobrang saya makita ang anak mo na matutong magsalita at humakbang.
I really love Rui.
T-teka, Rui?
"RUI?!" Napasigaw ako ng maaalala ko na kanina pa umalis ang anak ko ay hindi parin ito nakakabalik.
Agad akong lumiko sa kabilang isle para hanapin siya, nandon kasi ang mga chocolate at sinabi niyang yun ang kukunin niya.
Kinakabahan na ko.
Sanay namang kumuha ng kung ano ano yung anak ko dito sa mall, dahil palagi kaming nago-grocery dito, pero ngayon lang siya natagalan sa pagbalik. He's already 7 years old at mature na siyang mag isip kaya minsan ay hinahayaan ko lang siya maglakad dito.
Rui asan ka na ba?
Nagtanong tanong ako sa ibang mga mamimiling nandoon din at nagbabakasakaling nakita nila ang anak ko pero wala.
Diyos ko, ang anak ko.
Nick's Pov
I felt my phone vibrated kaya Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pantalon ko at tsaka tsinek kung sino ang caller.
Lucio calling
tsk. Ano bang kailangan ng isang to?
“Hello?”
“Supp, dude.”
Tsk. Tinawagan niya ba ako para lang tanungin ng ‘Supp dude?’
“Im fine.” Kahit medyo inis ay sinagot ko parin siya. I heard him sigh.
Ugghh, this is so gay.
“Daan ka daw muna dito sabi ni----
I cut him.
“You see I'm kinda busy, baka hindi ako makapunta dahil may meeting pa ko sa mga foreign investors ng company 2 hours from now.” I said trying to suppress a sigh.
Since that night, nagbago na ang samahan namin nila Lucio. Yes, we still hang out, pero hindi na katulad ng dati na nagkukwentuhan at nagtatawanan. We just hang-out for () sake. Akala niya kasi katulad parin kami ng dati, na walang nagbago.
Kung nag-uusap man kaming dalawa ni Lucio ay tungkol na lang sa negosyo and some serious matters that doesn't concern our personal lives.
Kung tutuusin ay parang wala naman talagang dapat magbago. Lucio is still the same. The usual drunkard that he is. Maybe it was just me behind all the changes. Hindi ko kasi matanggap yung nangyari 7 years ago. Not in a way na nagsisisi ako. I dont know, I dont get it. I enjoyed what happen, but I feel guilty. I feel so responsible.
After that night, nagising na lang ako ng wala na siya sa tabi ko. Sinubukan ko siyang hanapin, but I failed. Gusto ko siyang makita ulet. Pakiramdam ko may kailangan akong gawin na hindi ko nagawa dati dahil sa walang pasabi niyang pag-alis.
For 7 long years marami akong ginawang paraan para mahanap siya. May gusto akong sabihin sa kanya, but as of now ay hindi ko pa matukoy kung ano yun. Should I say sorry? But for what? Siguro malalaman ko din yun kapag nagkita na kami and I'm looking forward to that day.
“I got it.” I heard Lucio replied from the other line. Muntik ng mawala sa isip ko na kausap ko pala siya.
He ended the call.
Ibabalik ko na sana sa bulsa ng pantalon ko ang telepono ng mag-ring na naman iyon.
“Hello?” I greeted once again without looking kung sino man ang caller.
“HONEY!” Agad kong nailayo ang phone mula sa tenga ko. What's with the voice?! ansakit sa tainga.
“Hey Lia, you don't have to shout.” Inilagay ko ang telepono sa kabilang tainga ko dahil pakiramdam ko ay nabingi ang kabila sa lakas ng sigaw ni Lia kanina.
“Awww, honey is such a meanie.” I could imagine her pouting and she looks so ... irritating.
I continued walking.
“Hon, Lucio told me na di ka daw makakapunta dito. Honey naman, I haven’t seen you for days. Please give me this one, i miss you so much and I want you here.”
Napailing ako sa narinig.
“Lia I'm busy.” I simply stated.
“You’re always busy! Kelan ba naging hindi?!” Nagulat ako sa biglang pagtataas ni Lia ng boses. What's with the sudden change? “Palagi na lang negosyo mo ang inaatupag mo! Nick, kelan ba magiging ako?!” I could hear her voice trembling. She's about to cry I know it. Na-guilty tuloy ako.
Lia is my current girlfriend. I can't say na mahal ko na siya. Love is too deep para basta bastang maramdaman. We just click and that's it.
“Lia listen----
“No Nick, you listen to me! Sawang sawa na ko! Im your girlfriend for what? Nothing!” Sumisigaw na si Lia sa kabilang linya. I look around the mall, afraid na baka sa sobrang lakas ng boses ni Lia ay may makarinig na iba. It was late when I realized that what I did is foolish.
“Girlfriend mo ko pero ako pa yung parang tanga na patuloy na nag-aantay sa tira-tirang oras mo! Hanggang kelan ako mang-aamot ng atensyon mo Nick?” I heard her sobs and I took pity. I admit, kasalanan ko naman talaga. Niligawan ko siya, but im not giving her the attention that she deserves as my girlfriend. I was about to comfort her when someone bumped me. My phone fell from my hand. Looking at my phone's shattered pieces on the floor, alam kong hindi na maaayos yun.
“I'm sorry.” I look at the owner of that little voice. When my eyes met his, pakiramdam ko bumilis ang t***k ng puso ko. Namamalikmata lang ba ako o talagang kamukha ko talaga ang batang to? It's like looking at the seven year old version of myself. Just wow.
“My mom told me that staring is rude sir.” He said in the most angelic voice i've ever heard. He blinked his eyes thrice and I find it cute.
“Ow, I’m sorry. Where's your mom?” I asked after apologizing. What a good boy. Kapag nagka-anak ako, gusto ko kagaya ng batang to.
“Nag-go grocery po. I was just having a walk, but a guy pushed me that’s why I end up bumping you and ruined your phone. I'm sorry again.”
“It's okay. Pero bakit naglalakad kang mag-isa? Aren't you afraid na baka mawala ka o madisgrasya? Paano pala kung ibang tao ang nabunggo mo? Baka nasaktan ka pa.” Umupo ako para maging magkapantay ang mga mukha namin.
Umiling lang siya bilang sagot. “Kayo naman po nabunggo ko eh, kaya okay lang.” Natawa naman ako sa sagot niya.
I took the pieces of my phone. I'll just apologize to Lia later.
I turned around para pulutin pa ang ibang parte ng cellphone ko na dumami.
“By the way, what's your nam-----
Pagharap ko ay wala na ang bata sa kinatatayuan nito kanina. I look around, wala talaga. San naman kaya iyon nagpunta? Lumapit ako sa isa sa mga kalapit kong tao at nagtanong kung nakita nila yung batang kausap ko kanina. Sabi nila ay may babae daw na kumuha at narinig pa nila na tinawag itong mommy ng bata.
Sayang naman. Hindi ko man lang naitanong ang pangalan ng bata.
I look at my watch. Uggh, late na ko sa meeting ko. Dumaan lang naman ako sa mall dahil may kailangan akong kausaping tao. Tss.
Naglakad na ako palabas. Sumakay sa kotse at pumunta sa susunod kong destinasyon.
*******
Gee❤️