-Four
Shiinel's Pov
Simula ng umalis kami sa mall, kanina pa walang kibo si Rui. Nasa sasakyan na kami but he keeps on looking outside the window. I wonder whats bothering him.
“Rui?”I called for his attention.
Tiningnan niya lang ako saglit at tsaka muling ibinalik ang tingin sa labas.
This is not so Rui. Usually, kapag nasa loob ng sasakyan ay maingay ito at napakaraming kwento kaya nakapagtataka talaga ang biglang pananahimik nito.
It's traffic so I stopped the car before I reached for my son.
“Are you mad to mommy?”Umiling lang siya bilang tugon. “Then why are you not talking to me? Please dont lie sweetie.”
“Im not mad at you, your my mom remember? I'm not lying, liars pant in fire and I hate fire.” He simply stated.
“Then why are you not talking to me?”
Ipinasok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng hoodie nya at tsaka sumandal sa sofa. Napangiti ako. Ang cool ng anak ko. He was wearing a plain red shirt na pinatungan ng kulay gray na hoodie jacket. Naka-maong pants at rubber. Bumagay yun sa natural na kulay ng buhok nito.
“I was just thinking about that guy in the mall.”
“Yung lalaking kasama mo kanina?” Kailangan ko na atang turuang managalog si Rui. Masyado na kasi siyang nasanay sa pag-i-english.
Hindi ko naman siya masisisi dahil Sa amerika siya lumaki. Doon ko kasi siya ipinanganak.
“Yeah.”
“What about him?”
“I haven't said bye. That's so rude of me.”
Napangiti ako sa sinabi ni Rui. Now I understand kung bakit hindi siya nagsasalita. Bakit ko nga ba nakalimutan?
Sa mga panahong ganito ko pinanghihinayangan na hindi ko nakilala ng maigi ang ama ni Rui. Eh di sana mas naiintindihan ko ang anak ko. May mga pagkakataon kasi na hindi ko maintindihan ang ikinikilos at ginagawa ng anak ko. They're weird. Pati sa pagkain, minsan weird din ito. I wonder kung parehas sila ng ama niya.
One of Rui's weirdness is that he hate the word ‘rude’and it's idea. Kahit ano, basta may rudeness, ayaw niya. Rude na salita, rude na gawa, rude na reaction o kahit na expression and everytime he unintentionally become rude, NAGTATAMPO SIYA SA SARILI NIYA.
Yeah, that's how weird my son is, but I love that's side of his.
Naalala ko pa ng minsang mapagalitan ko siya dahil nakabasag siya ng vase, tahimik lang siya at hindi umimik buong araw. That night, I talked to him and asked him if he hate me. Almost the same question I asked awhile ago. You know what he said?
He said ...
“No mom, I dont hate you, I hate myself for making you mad at the first place. What I did was rude, sorry mom.”
Thanks to his genes that I have Rui. I bet he'll be more than proud for having Rui as his son, the same way I do.
“Mom, I was talking and your idling. Tsk. That's so rude of you sweetie.”
“Oh Im sorry. You were saying?”
Pahiya ako dun ah. Minsan nakaka-proud, pero minsan nakakainis din na mature mag-isip ang anak mo.
Magsasalita sana ito pero umusad na ang mga sasakyan kung kaya't nagpatuloy na kami sa byahe namin pauwi.
Pagdating sa bahay ay agad kong inilagay sa kusina ang mga pinamili ko at naghandang magluto ng makakain namin. Si Rui naman ay umakyat sa kwarto nito, magliligpit daw siya ng mga toys.
Isa pang weirdness niya, ayaw niyang nililigpit ko ang mga laruan niya. He's trying to act like a big boy.
Nang matapos akong magluto ay inakyat ko sa taas si Rui para makakain na kami. Nang buksan ko ang kwarto niya, napansin kong malinis na iyon at wala ng ni isang laruang nakakalat sa sahig. Hindi man ganon ka-organize ang mga laruan nito, pero sobra na para sa kakayahan ng isang bata. Hinanap ng mata ko si Rui at nakita ko siyang knock-out sa kama. Napagod siguro sa kalilibot sa mall kanina.
Tinanggal ko lang ang sapatos at inayos ang kumot nito. I kissed him bago ako maingat na lumabas ng kwarto. Gigisingin ko na lang siya mamaya.
Wala naman akong gagawin so I decided na tumambay na lang sa kusina. Pagdating sa kusina, I grabbed the daily newspaper na hindi ko nabasa kanina.
I opened it at unang bumungad sa akin ang gwapong mukha ng isang lalaking nasa front page. Nakakaakit ang mga ngiti nito at hindi maitatanggi ang kakisigang taglay nito. Pero teka nga, bakit ba ang lalim ng tagalog ko? Ah ewan.
Nickolas Allen Sobremonte
Yun ang pangalang nakalagay sa dyaryo. Out of curiousity ay binasa ang laman ng balita tungkol sa kanya.
Isa pala siya sa mga elligible bachelors at kilala siya sa pagiging maboka at matinik sa negosyo. At the age of 27 ay nakagawa na ito ng pangalan sa bussiness world. What's intriguing daw ay kapag tinatanong mo ito sa kahit anong may kinalaman sa negosyo, he could explain it right then and there, without further ado and a ‘very well said’ statement right after. Ganon siya kagaling magsalita, but when it comes to questions daw na related sa lovelife nito, ang matinik at mabokang negosyante daw na si Nickolas Allen Sobremonte ay palaging sa dalawa lang umiikot ang kasagutan. It's either ‘Pass’ or ‘No comment’.
Nakakaintriga nga pero wala akong panahon para sa mga iyan. Binuklat ko ang parte ng dyaryo kung saan may mga job offers. Obviously kailangan ko ng trabaho.
Ayoko ng umasa sa pamilya ko. Yun ang dahilan kung bakit umuwi ako ng Pilipinas, gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. I wanted to let my family know na kaya kong buhayin mag-isa ang anak ko at may kaya din akong patunayan.
Hindi ko man nagawang manindigan para sa sarili ko dati, para sa anak ko, gagawin ko ngayon. Isa pa, sayang naman ang pinag-aralan ko kung patuloy akong aasa sa kutsarang isusubo sakin ng pamilya ko. Nagtapos ako ng secretarial course sa New York.
Ang balak ng mga magulang ko, bigyan na lang ako ng posisyon sa kumpanya namin sa America, but I refused. Ayokong mabigyan ng special treatment.
Kaya napagdesisyunan kong umuwi ng Pilipinas. Balak kong dito na lang magtrabaho and in the first place, dito naman talaga ako nararapat kasama ng anak ko.
I scanned for the Job offers. I called a few number para magtanong kung available pa ba ang item o naunahan na ako ng ibang applicants. Unfortunately, sa lahat ng natawagan ko ay marami na daw ang nauna for the item. Kung bakit kasi late ko binasa yung dyaryo.
Muli kong tiningnan ang dyaryo and something caught my eye.
NAS Company
I grabbed my phone and made a call.
“Hello good morning, this is NAS company.”
“Aah, Gusto ko lang sanang itanong if the application for the secretarial position in your company is still open.”
“Yes maam, how can I help you with that?”
“Mag-aaply sana ako.”
“Then your on for an interview tomorrow at NAS company at exactly 8:00 AM.”
“Talaga? Naku thank you!”
“You're welcome. Thank you and good day!” Then the line went off.
Parang gusto kong mapasigaw sa tuwa. Finally! Pagkatapos ng mahabang tawagan, im on for an interview!
Might as well get ready.
Kinaumagahan, maaga akong nagising para asikasuhin ang pagpasok sa eskwela ni Rui. At para makapaghanda rin ako for my interview later. Kagabi pa lang ay nakahanda na ang mga requirements ko.
I took a shower and wore my best attire. I neatly tied my hair at nag-ayos ng kaunti. I dont use make-ups, lipstick oo. Pero yun lang naman at pulbos ang gamit ko.
Idinaan ko lang sandali si Rui sa School nito at tsaka ako dumiretso sa NAS Company para sa interview.
I took a deep breathe bago ako lumabas sa kotse at pumasok sa loob ng building. Maganda ang interior design ng lugar at malawak din ito. Hindi maipagkakailang mayaman ang may ari nito.
I asked the receptionist about the direction at magiliw niya namang itinuro sa akin ang daan.
After asking for some assistance, I was ushered in a room kung saan may naghihintay na isang matandang babae.
“Good morning po. Im Shiinel Vinicio, Ako po yung tumawag kahapon.”
“Ganon ba? Maupo ka.”
Strikta
Yun ang unang deskripsyon na pumasok sa isip ko.
She took my bio data at pinag-aralan ang laman niyon. Ilang sandali lang ang nagdaan ay ibinaba nito ang hawak at muling itinuon sa akin ang pansin.
“By the way, to tell you you're the very first person na naglakas loob na mag-apply for the position. I like you're guts. People in the bussiness world need to have that type of guts para maging succesful and your lucky to have it naturally.” Ayokong umasa pero pakiramdam ko talaga matatanggap ako sa trabaho.
I have a hunch and it was rare for my hunch to fail. This is it. Magkaka---
“But ...” She continued at pakiramdam ko bigla akong nanghina. “We prioritize people with experience or better yet experiences. You see, this is a big company and we dont want to take the risk of ruining its fame by hiring fresh flowers to work on the dirt. You get what I mean. It's the world of bussiness and we have to deal with it.”
And just that. Gumuho ang pag-asa ko.
Lumabas ako sa kwartong iyon ng lupaypay ang mga balikat.
Hunch, you fail me this time.
Nick's Pov
“What the--- Ano to?! Is this all you can do?! Alisin nyo sa harap ko yang mga basura nyo! I am not a damn garbage collector! Im asking you for designs and not for sh*ts!” Rinig na rinig ko ang pambubulyaw ni Lia sa mga empleyadong under ng supervision nito. Pabalik na ako sa opisina mula sa pagbili ng kape mula sa pinakamalapit na starbucks. Nagkusa na ako dahil absent si Luz, ang secretary ko. Busy ang lahat at ayoko namang mang-istorbo para lang may bumili ng kape ko.
Pabalik na sana ako sa opisina pero naisip kong sumaglit dito para sana personal na mag-apologize para sa nangyari kahapon, but I think it isn't the good time.
Naglakad ako pabalik sa kotse. Saktong pagpasok ko sa kotse ng makatanggap ako ng tawag mula sa isa sa mga investors ng company. An urgent meeting.
Damn. Why now? Wala akong secretary.
Agad akong nagmaneho pabalik sa kompanya.
Pagpasok ko ng building ay agad akong dumiretso sa opisina ni Linda. In charge siya for the hiring at pagsala sa mga applicants.
“I need a secretary right now, english proficient and intelligent. Call anyone who can do the job for today.” Bungad ko kay Linda pagpasok na pagpasok ko. She's holding a folder pero hindi ko na pinansin yun.
“But sir, we don't have any available employee at the moment. Kung gusto nyo ay ako na lang po ang sasama para gawin ang trabaho.”
“No.” Agad kong pigil sa kanya. Im certain that despite of his age ay kaya niya ngang gawin ang trabaho, pero mas kailangan siya dito sa kompanya. “Ako na lang ang lalakad mag-isa. Mas kailangan ka dito.”
Yeah, I think I have to finish this alone.
“Ah sir.”
“Yes?” Nabaling ang atensyon ko kay Linda at sa folder na hawak niya.
“May applicant po for the secretarial position ngayong araw na ito.”
“And?”
“You're looking for an intelligent and english proficient secretary, she's a graduate of New York so I think...”
“Why didn't you hire her?” I cut her.
“As your order, we give priority to those who have job experiences and she's a fresh graduate. Pero dahil isang araw lang naman na serbisyo ang hinihingi nyo, we can have her.”
Good idea.
“Papayag kaya siya?”
“Sigurado po iyan sir. Magandang palamuti sa resume ang magkaron ng working experience sa NAS Company kaya hindi niya po yun tatanggihan.”
“That's good to hear. I want to have her infos.” I felt relieved.
“Eto po sir.” Inabot sa akin ni Linda ang kanina niya pang hawak na folder.
I opened it without hesitation and My eyes widened the moment I saw the lady smiling on the picture.
Shiinel's Pov
Nasa kotse na ako ng maka-receive ako ng tawag mula sa isang unknown caller.
“Hello?” Malamya kong sagot. Wala akong energy dahil hindi parin ako nakakaget-over sa pag-fail ng hunch.
At the back of my head, I think I can hear Rui's voice saying, ‘That's so rude of you mom.’
“Ms. Vinicio, this is Linda Santillan, ako yung nag-interview sayo kanina. I have to discuss something important with you in my office.”
Nabuhay ata lahat ng cells ko sa katawan dahil sa excitement. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
After the call ended, nag-retouch lang ako ng kaunti at tsaka lumabas ng kotse para dumiretso sa opisinang pinasukan ko din kanina.
Nakita ko ulet si Mrs. Linda, only this time nakangiti na siya.
“Good news, you're hired.” Nakangiti niyang saad at tsaka inabot ang kamay for a handshake.
Totoo ba to?
“Akala ko po ba---
“You're lucky that my boss badly needs a secretary today and your the first person that comes to my mind. I just think you deserve the job.”
“Thank you po, thank you po talaga!”
“You better get going, Time is running.”
Tinawag nito mula sa labas ang isang nagngangalang Michelle at ipinahatid ako sa pagtatrabahuan ko. Utos daw iyon ng boss.
Ang bilis naman ata, magtatrabaho na ako? Pakiramdam ko hindi ako prepared. Kinakabahan ako. Paano kung magkamali ako? Paano kung kulang pa yung alam ko? Paano kung hindi sila makuntento sa kaya ko? Paano kung hindi ko kayang makipagsabayan?
Paano kung wag na lang kaya akong tumuloy?
Pero hindi. It's now or never.
Kailangan kong galingan para kay Rui. I fixed my dress, breathe deeply and held my chin high.
Kaya ko to. Everyone has their first time. It's just a matter of how you give your best which makes your first beautiful.
Huminto kami sa harap ng isang magarang pintuan na may nakalagay na OFFICE OF THE CEO.
Eto pala ang office of the CEO.
Teka--WHAT?! Anong CEO?!
“Nandito na po tayo, maiwan ko na po kayo.”
“Teka, are you sure ito yun?”
“Huh? Opo. Sige mauna na po ako.” At tuluyan na nga siyang umalis.
Nawala ata lahat ng lakas ng loob na inipon ko kanina. I fixed my dress a while ago pero nagugusot naman ulet dahil sa kabang nararamdaman ko. Doble ata kesa sa kabang naramdaman ko kanina.
Nang sinabi ni Ms. Linda na magtatrabaho ako sa boss niya, it didn't occur to my mind that she was pertaining to the CEO. Akala ko ay isa sa mga department heads ang tinutukoy nito.
After almost a hundred of deep breaths, I decided to turn the knob.
I heard that baritone voice from the inside and my heart raced.
I can do it. I keep in mind na para sa anak ko ang ginagawa kong ito. Hindi ako pwedeng magpadaig na naman sa takot.
I opened the door and stepped in.
The moment I shut the door close, I felt someone grabbed me and imprisoned me to his embrace.
“I miss you.” I heard him say with his voice on the verge of crying.
*************
I need comments po before the next chapter!
Thank you po ng marami! Labyu♥
Citrisyenn