-Six-
Sandali akong nagpaalam kay Mr. Sobremonte para masundo si Rui sa eskwelahan nito. Alas dose na ng tanghali at kanina pang alas diyes ang uwian nito. Paniguradong kanina pa ito nag-aantay at marahil ay nagtataka na kung bakit ako natagalan sa pagsundo sa kanya. Mabuti na lamang at nandon ang teacher nitong si Ms. Manica kaya hindi ako masyadong nag aalala. Mabait kasi ito. Hindi rin naman ito umuuwi kapag lunch dahil may isa pa itong klase na tuturuan sa hapon, sayang lang daw sa pamasahe.
While driving hindi maiwasang sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kaninang umaga. My first interview, first job, first meeting at first deal na nai-close. Everything is just great for a neophyte. I was a fresh graduate, at kahit valid for a day lang ang trabaho ko, I am proud to be the CEO's secretary. Who will not? It was my first job's first day and then I was the big boss' secretary. That was just so great. Magandang disenyo yun sa resume ko for my future job.
After a few minutes ay narating ko na ang eskwelahan ni Rui. Sa di kalayuan ay nakita ko siyang nag-aabang malapit sa may guard at sa tabi nito ay ang teacher nitong si Manica. Hindi na ako bumaba ng sasakyan. I opened the window and waved to them at ng mapansin ako ni Manica ay agad nitong iginiya si Rui papunta sa kotse ko. Nang makasakay si Rui ay agad akong nagpasalamat kay Manica na ngumiti lamang bilang sagot at tsaka muling pumasok sa loob.
"You're late."
Nilingon ko si Rui sa tabi ko na kasalukuyang ikinakabit ang seatbelt nito pero hindi naman magawa. I did it for him and kiss him on the forehead.
"I'm sorry sweetie, may ginawa lang akong importante. So how's your day?" I started the engine and turned the steering wheel.
"It was great." He plainly stated. I turned to look at him and saw gloom on his eyes.
"What's the problem? I know their is, tell mommy. May umaway ba sayo?" Noon kasi ay madalas itong tuksuhin na putok sa buho ng mga kaklase nito. Inireklamo ko lang kaya natigil. Nagpapalit palit ang tingin ko sa daan at kay Rui na ngayon ay tuluyan na ngang lumungkot ang mukha. Alam kong may problema ang anak ko.
"Nothing, it's just that ..." yumuko ito at nilaro laro ang bag na nasa kandungan nito.
"Hmm?" I said, urging him to continue.
Nagtaas ito ng ulo and look at me directly with those inquiring eyes. "Mom, where's my dad?"
*Screeeeeeechhhhhhh*
I suddenly stepped on the break at gulat ang ekspresyong napatingin ako kay Rui na napahawak sa seatbelt nito dahil sa gulat ng bigla kong pagpreno.
Uggh! Natampal ko ang ulo ko sa kapalpakang nagawa ko. Hindi na ko nag-ingat. Kasama ko pa naman ang anak ko tapos bigla-bigla na lang ako magpepreno. I shoul be careful nextime.
"Sorry, w-why did you ask? K-kulang pa ba si mommy sayo?" I can't look at my son at baka malaman nitong hindi ko rin alam kung nasan ang ama nito. I don't want my son to be dissapointed.
"That's not it. I love you mom." Na-touch ako don. Rui is naturally sweet, he can be sweet without exerting too much effort or even without him knowing that he's becoming sweet. Ang ama niya kaya ganon din? "But teacher, asked us a while ago to draw our family. Brian, have two sisters and her parents. Lia, has her mother and father in her drawing. But in mine, it's just you and me. I want to draw a father, but I'm not sure if I even have one."
Gusto kong maiyak dahil sa sinabi ng anak ko pero pinipigilan ko lang dahil una, nagmamaneho ako. Pangalawa, ayokong magtaka ang anak ko sa dahilan ng pag-iyak ko. Ayokong malaman niya na kahit ako mismo eh hindi sigurado kong makikita pa ba namin ang ama niya. I feel so sorry for my son. Naaawa ako sa anak ko, maaaring habang buhay ay hindi na nito maranasan ang pag-aaruga ng isang ama.
Kasalanan ko lahat ng to, kung hindi sana ako naging tanga at duwag, sana hindi humantong dito ang lahat.
"Of course you have a father. Don't worry sweetie, in time you'll see him." I don't want to give a false hope to my son, but I can't bear seeing the gloom on his face. If only I could kiss it all away, gagawin ko kahit ilang ulit pa.
"But when?"
I faced him and forced a smile.
"Soon."
I hope.
I continued driving, si Rui naman ay tahimik na lamang na naglalaro sa tablet na palagi kong dinadala sa loob ng kotse. Libangan niya iyon para hindi siya matuksong lumabas ng kotse sa tuwing kailangan naming tumigil sa daan. Maraming naglipanang masasamang loob ngayon at ayaw kong isugal ang kaligtasan ni Rui. I can't afford to lose my son.
Random thoughts entered my mind and then I remember something na kailangan ko palang bigyan ng solusyon.
I stared at Rui.
"Mom, staring is rude." Rui said without breaking a contact on the tablet's screen.
Napangiti ako. "Rui, do you want to have a nanny?"
Ibinaba nito ang hawak ng tablet, tsaka kunot noong tumingin sa akin.
"A nanny? Not bad, but are you tired of taking care of me mom?" Ibinalik nito ang focus sa screen at pumindot pindot doon. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pag-usli ng maninipis nitong labi. Pout.
Napangiti na lang ako. My son can be sweet, snob, cold and cute at the same time and that makes him more adorable for me.
"Wag ka ng magtampo. I will never be tired of keeping my only happiness." Pinanggigilan ko ang pisngi nito gamit ang kanan kong kamay. "Kailangan ko ng mag-aalaga sayo habang nasa trabaho ang mommy. Pero syempre tayo ang magkasama kapag wala na kong work." I gave him a smile.
"Okay."
Namayani sandali ang katahimikan.
*Scrreeeeeecccccchhhh*
"Mom!"
I saw someone crossed the street kaya ang naging initial na reaksyon ko ay ang tapakan ang preno at pahintuin ang kotse. I was shock for a moment. Sht nakabunggo ba ko?! Hindi ako nakapagsalita at nagpalinga linga lang sa paligid. Naririnig ko pa ang malalakas na busina ng mga sasakyang nakasunod sa amin. What should I do?!
"Rui, are you okay?! Are you hurt?! San banda? Asan?!" Aligaga sa pag-check kung okay lang ba ang anak ko kahit nakita ko namang ayos lang ito. I want to talk and I need something to pull my brain back to my head.
"Mom, you bumped someone!"
"I did?" Wala sa sariling nasabi ko. Reality hit me kaya agad akong bumaba ng sasakyan, instructing Rui not to go outside. Sinipat ko ang unahan ng sasakyan and was relieved when I saw no trace of blood o iba pang pruweba ng morbid scene na kanina lang ay na-imagine ko. But I saw a lady na nakasalampak sa semento at tila hirap tumayo. Lumapit ako at inalalayan itong makatayo.
"Ayos lang po ba kayo? Naku pasensya na, may masakit ba sayo ha? May sugat ka ba? Nabagok ba ulo mo? Sabihin mo sakin." Kasakukuyan nitong pinapagpag ang narumihang damit bago ito tuluyang tumingin sa akin. "Lilang?!"
"T-teka, Shii?" Malalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Ikaw nga!" I smiled widely. "Kumusta ka na? Antagal nating hindi nagkita ah." It feels good meeting an old friend.
Siya si Silvia Chavez, pero mas kilala sa tawag na Lilang. Kaklase ko siya noon sa Clementine Special University. Hindi naman kami ganoon ka-close dahil nga wala akong kaibigan noon. Tamang magkakilala lang kami, ngunit sa lahat ng kakilala ay si Lilang lamang ang nakakausap ko. Siguro dahil pareho kaming mga pinaglalaruan lang noon at bagsakan ng trip. Mahirap lang kasi ang pamilya ni Lilang, scholar lang ito noon dahilan kaya palagi itong minamaliit ng mga kaklase naming ang paniniwala ay mas nakakaangat sila sa iba.
"Ayos lang naman ako, ikaw? Anlaki na ng pinagbago mo."
"Anong klaseng pagbabago ba yan, panget o maganda?" Biro ko pa.
"Syempre mag------"
"Hoy kayo! Magkukwentuhan na lang ba kayo dyan?! Alis na! Hindi lang kayo ang nagmamadali, mga panira ng araw!" Sigaw ng isa sa mga motoristang nakasunod sa amin.
Agad kong hinila si Lilang papasok ng kotse ng ma-realize kong nakakasagabal na pala kami sa usad ng mga sasakyan. Good thing at wala ng police pang lumapit para sitahin kami.
We drove to the nearest reastaurant. At doon na namin itinuloy ang naantala naming pag-uusap. Tanghali narin kasi at hindi pwedeng malipasan ng gutom si Rui. I ordered foods for three person and I saw how Lilang look at them with hunger. Kumain muna kami at ng matapos ay tsaka nag usap tungkol sa nangyari sa amin nitong mga nakaraang taon. Si Rui naman ay tahimik lang sa tabi namin habang pilit inuubos ang pagkain nito.
Nalaman kong kaya pala nagmamadali si Lilang at sinugod ang kalsada kahit hindi pa pwede ay dahil late na ito sa trabaho. Dahil sa pag-aasikaso sa pamilya kaya madalas mahuli sa trabaho si Lilang. Noong huli ay nabigyan na daw ito ng ultimatum ng may-ari ng karinderyang pinagtatrabahuan nito na kapag nahuli pa ito sa susunod ay sigurading tatanggalin na ito sa trabaho. Ayaw namang mamgyari ni Lilang yun. Hindi ito nakapagtapos ng kolehiyo dala ng kahirapan kung kayat mahirap para dito ang maghanap ng panibagong trabaho na may sapat na kitang maipantutustos niya sa pangangailangan ng pamilya nito. Lalong lalo na ng ina nitong nakaratay dahil sa karamdaman.
Naaawa ako kay Lilang. Napakabait pa naman nito.
I look at Rui habang tinatanggalan nito ng balat ang chicken at sinasawsaw ang daliri sa gravy para papakin iyon. Ang weird talaga ng anak ko. Kahit sa bahay, sa tuwing kakain ito at manok, he'll make sure na wala na iyong balat bago niya isubo. Tapos ang hilig magsawsaw ng kamay sa sauce. Habits.
Theb an idea crossed my mind. I smiled widely.
"Lilang may io-offer sana ako sayong trabaho since diba sabi mo eh matatanggal ka na don sa pinagtatrabahuan mo? Pero nasasayo naman kung tatanggapin mo o hindi."
Tiningnan ako ni Lilang na para akong isang anghel mula sa langit.
"Talaga ano yun? Sige na kahit ano payag ako! Alam ko namang marangal yan eh."
"Kailangan ko kasi ng magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako. Kailangan may susundo at aasikaso sa kanya pagkalabas niya ng school. Pero hindi ko naman magagawa yun dahil busy ako. Kung okay lang sayo, pwede bang ikaw na lang ang mag alaga kay Rui?" I was hoping na papayag siya dahil kailangan ko na talaga ng mag aasikaso kay Rui ngayon and I don't want to pick random people. Gusto ko yung kilala at mapagkakatiwalaan ko. Yung sigurado akong maaalagaan ng maayos ang anak ko and Lilang fits the job.
Sandali itong tumingin kay Rui, at parang gusto kong pumalakpak ng makita ko siyang ngumiti.
"Oo naman. Ako pa ba ang mamimili? Naku Shii, salamat talaga dito sa trabahong binigay mo. Wag kang mag-alala, hindi ka mabibigo. Aalagaan kong mabuti ang anak mo."
Shii. I miss that. Yan ang tawag sa akin ng mga kaklase ko nong college. Hearing that name makes me feel nostalgic.
"Wala yun, ako pa nga ang dapat magpasalamat sayo." I turned to Rui. "Say hi, to your tita Lilang sweetie."
"Hi tita Lilang!" And then he continued eating. I pulled a tissue at pinunasan ang gravy na nasa gilid ng labi nito.
We drove home kasama si Lilang since kailangan ko ng bumalik sa company at baka mapagalitan ako dahil natagalan akong bumalik.
Si Lilang ba daw ang magbabantay kay Rui. Napag-usapan na naming stay in ito at pumayag naman siya. Sasamahan ko na lang siya mamayang pag uwi ko para kunin ang ibang mga gamit nito at para makapag paalam narin.
After checking everything ay nagmaneho na ako pabalik sa NAS company.
"What took you so long?" Yan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob ng opisina para sana ipaalam na nandito na ako at humingi ng tawad sa pagiging late ko.
"K-kasi po, traffic." Wala akong ibang maapuhap na rason. I didn't and I can't tell them na may anak na ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro at the back of my mind ay gusto ko rin na pagkatapos ng isang araw na pagiging secretary ko ay magkaroon pa ako ng pagkakataong makapagtrabaho sa NAS kahit sa ibang department na. Ayokong isipin nila na may responsibilidad ako na makakasagabal sa trabaho ko and I hate myself for that. I hate myself for lying about Rui.
"Okay, enough of the fuzz, I need you to do this one." Iniabot nito sa akin ang isang folder. Inabot ko iyon at tsaka tinignan. "I need that now." Dagdag niya pa bago ibinalik ang atensyon sa binabasa.
Gwapo sana kaso suplado.
Naalala ko yung bigla niyang paghawak sa kamay ko kanina nong tinatanong ako ng kliyente. Bakit niya kaya ginawa yun? But I can't deny the fact na nawala talaga ang kaba ko ng mga oras na yun. Wala rin akong maramdamang kalaswaan sa ginawa niya. Ay ewan.
Wala na akong narinig na sumunod pa nitong sinabi so I took it as a signal para lumabas na.
Akma akong lalabas when I heard him call my name.
"Pakikuha mo narin ako ng maiinom."
"Coffee sir?"
"No, juice will do."
"Juice sir?" Tanong ko ulit. Sinisigurado ko lang kung tama ba yung narinig ko. May juicer ba dito?
Tinaasan niya lang ako ng kilay at parang sinasabi na 'bingi ka ba? Juice nga diba?'
"You me heard me right? Don't make me repeat my words." Tsaka ito muling bumalik sa pagbabasa at hindi na muli pang tumingin sa akin.
"Juice ..." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng office. "Sungit."
Inilapag ko lang sandali ang folder sa table ko na nasa labas ng opisina at tsaka pumunta sa kung saan gumagawa ng maiinom. Luckily may nakita akong juicer and fruits. I picked oranges at binalatan iyon. After I extracted the juice, nilagyan ko iyon ng maraming tubig at yelo at tsaka inilagay sa baso. Parang nauhaw ako ng makita ko ang pamamawis ng baso.
Agad ko iyong dinala sa opisina.
"Eto na po yung juice nyo sir." Inilapag ko iyon sa tabi niya. Agad niya naman iyong kinuha at uminom mula doon. I saw how his adam's apple move sa bawat paglagok na ginagawa nito.
"Matabang." He put the glass back to its place. Nangalahati na ang laman niyon.
Napayuko ako sa kahihiyan. Ganon kasi ang nakasanayan kong pagtitimpla. Rui likes sweet pero pagdating sa juice, ang gusto nito ay malamig na malamig pero hindi gaanong matamis. Mas napapatid daw kasi ang uhaw niya pag ganon. Kaya naman yun ang nakasanayan kong itimpla dahil yun narin ang lasang nakasanayan ko. Nakalimutan kong iba iba nga pala ang taste preference ng tao at ang tanga ko dahil hindi ko man lang tinanong kung ano ang gusto niyang flavor o kung gusto niya ba ng matamis. Palpak na naman ako.
"P-pasensya na po kayo. Kung gusto niyo igagawa ko na-----
"But I like it."
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang sinabi ni Mr. Sobremonte and was more than amazed ng makita itong nakangiti. Lumabas ang pantay pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Lumabas din ang biloy nito sa kabilang pisngi na tuluyang nagpawala sa supladong aura nito. Iba ang nakikita ko ngayon. Kung wala lang akong alam ay baka mapagkamalan kong college student si sir. May iga-gwapo pa pala ito.
"Ho?!" Tama ba ang pagkakarinig ko? Nagustuhan niya?
"Mas gusto ko sa juice ang medyo matabang at malamig. Pakiramdam ko kasi mas napapatid ang uhaw ko. They're refreshing at iwas diabetes. Good job."
Napangiti ako sa sinabi ni sir. Mabuti na lang at pareho sila ng gusto ni Rui.Rui, you're such an angel.
*******
Gee❤️