-Seven-
Tapos na ang isang araw na kontrata ko ng pagtatrabaho sa NAS. Ang totoo nalungkot talaga ko, kasi kahit masungit ang boss ko, I enjoyed the job. Kaya naman ng matapos na ang araw, nahiling ko na sana ay mabigyan ako ng pagkakataong makapagtrabaho kahit hindi na bilang secretary.
Luckily, bago pa man matapos ang araw kahapon, nilapitan ako ni Mr. Sobremonte at sinabihang bumalik kinabukasan for I dont know what reason. Ganon man, I feel hopeful.
Ngayon nga ay paakyat ako sa floor kung saan naron ang office of the CEO pero ganon man ay si Mrs. Santillan ang pakay ko. Balita ko ay ngayon ang balik ng nag-leave na secretary ni Mr. Sobremonte.
Pumasok na ako sa loob ng elevator and press for the floor kung saan ako bababa. The door was about to close when I saw a girl na nagmamadaling tumakbo palapit. I immediately press a button para pigilan ang pagsara ng pinto ng elevator. Agad na pumasok sa loob ang babae.
"Hooh! Muntik na yun ah! By the way thanks." She said smiling na sinuklian ko naman while fixing her blouse na bahagyang nagusot Nakatingin ito sa repleksyon nito sa may pinto habang inaayos ang medyo nagulo nitong buhok. "Syet, late nanaman ako. For sure madadali na naman ako ni boss nito. Lintek naman kasing taxi driver yun, ang kupad! Pero kung makasingil naman ng metro tinalo pa si flash! Nakanaman oo."
Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niyang pagmo-monologue at hindi na pinansin pa. Maya nyan masabihan pa akong papansin kapag sumabat ako gayong hindi naman ako kinakausap.I took out my phone at tsaka itinext si Lilang para kumustahin kung kumain na ba si Rui. Alas sais trenta pa lang kasi ay umalis na ako ng bahay at alas siyete pa magigising si Rui, since alas-otso ang pasok nito at malapit lang ang eskwelahan.
Agad namang nagreply si Lilang at sinabing ihahatid niya na si Rui sa eskwelahan. I'm currently typing my message when I heard the lady beside me talk again.
"Sa top floor ka din pala? Anong gagawin mo dun? New employee ka ba? kasi parang ngayon pa lang kita nakikita eh."
"Huh? A-ah ... oo. Ako yung temporary secretary ng CEO kahapon since on leave yung secretary niya. Nandito lang ako kasi pinababalik ako." I slid my phone back to my bag at tsaka hinarap ang babae.
"Aaaahhhh ... ikaw pala." She's smiling widely while looking at me. "By the way, ako nga pala si Luz, Luz Emran. Ako yung secretary ni Mr. Sobremonte." Inilahad nito ang palad sa akin na agad ko namang tinanggap.
"Shiinel Vinicio. Nice to meet you." Kimi akong nakipagkamay at tsaka muling nanahimik sa isang tabi. Akala ko naman sa pananahimik ko ay ganon din ang gagawin nito pero nagkamali ako. Patuloy ito sa pagsasalita ng kung ano ano, na yung iba ay halos hindi ko na maintindihan. Ayoko namang magmukhang impolite kaya kahit medyo naririndi na ako ay nagkunwari na lang akong nakikinig. How I wish na makarating na kami sa top floor.
"Alam mo kasi si sir, sobrang sungit nyan. Grabe, parang wala na akong ginawang tama sa kanya, puro na lang mali, puro na lang kulang. Aba bakit? Kasalanan ko bang hindi ko mapantayan ang napakataas na standards niya? Ay naku talaga, alam mo kung hindi lang maganda magpasweldo ang NAS at hindi ko kailangan ng pera, hindi ako magtitiis kay sir Nick na talo pa si Bill Gates sa sobrang hirap abutin!"
"Talaga?" Yan lang ang tanging nasagot. Sa haba naman kasi ng sinabi niya ay hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung sabihin. I dont mean to be rude, pero yung totoo? Hindi ba makaramdam ang babaeng to na ayoko nang makipag-usap?
"Yah, pero siyempre char lang yung hindi ako magtitiis, kasi naman girl ... ayyiee." Hindi niya nga ramdam, uggh. Para pa itong teenager na kinikilig at hinampas ako ng mahina sa braso. "Ang gwapo gwapo kaya ni sir Nick! Okay lang na utos siya ng utos basta ba palagi niya akong pinapapasok sa loob ng office niya. Kaso hindi eh. Nakakainis nga, sinasarili niya yung trabaho niya at humihingi lang ng tulong kapag kailangan niya talaga. Minsan nga sinadya ko na lang magkamali sa pinapaggawa niya para lang ipatawag niya ako at makita ko s---Oopps." Napahawak ito sa bibig at tsaka gulat na napatingin sa akin.
"Uggghhh, ang bibig ko talaga! Wag mo kong susumbong ha?"
Tumango na lang ako dahil pakiramdam ko ay ako ang napapagod sa kadadaldal niya. Magsasalita pa sana ito pero mabuti na lang ay bumukas na ang elevator door. Agad agad akong lumabas habang siya naman ay nakasunod sa akin. Nakasalubong namin si Michelle, the one who ushered me to the office yesterday. Nginitian ko siya and greet her good morning.
"Siya nga pala Shiinel, pinasasabi ni sir na kapag dumating ka daw ay dumiretso ka kaagad sa office niya."
"Ako? Sigurado ka?" I asked again na sinagot niya lang ng isang tango. Akala ko pa naman ay kay Mrs. Santillan ako didiretso ngayon dahil siya naman ang in-charge sa pagsala ng mga employee.
"Sige, pupunta na ko."
Nagpaalam na ako at naglakad papunta sa office. I heard footsteps behind me and realize na kay Luz ang mga iyon. Siya nga naman ang secretary kaya malamang na doon din ang punta niya. Nang makarating kami ay pumasok na ako sa loob.
"Good morning sir, pinatatawag niyo daw po ako?" I greeted. The swivel chair turned and I gasped when I saw how cool he is with the morning aura. Napakapresko nitong tingnan and he even look younger than yesterday. By the way, is that even possible or its just me being stupid?
"Yes Ms. Vinicio, I want to--- and what are you doing here Ms. Emran?" Huh? When I look back, I saw Luz. Bakit parang hindi ko naman naramdaman ang pagpasok niya?
"A-ah eh k-kasi sir, diba ako ang secretary niyo? Baka lang kaila---"
"Cut it. It's better that you're here, I have to discuss something and that also concerns you. By the way Ms. Vinicio, can you make me a drink?"
"Ho? A-ah sige po."
"Ako na lang po sir, trabaho ko naman po yun eh!" I look at Luz. For a secretary, she's a bit childish. Para kasi itong bata kumilos. Tatalikod na sana ito pero pinigilan ito ni Mr. Sobremonte and insisted that it should be me. Wala ng nagawa si Luz at umupo na lang sa harap na upuan ni sir.
Hindi naman ito mukhang nakikipagkumpitensya, siguro tulad ko ayaw rin lang nitong masabihan ng incompetent kaya hanggat maaari ay gusto nitong tumulong.
Nagtimpla na ako ng juice, this time pinaghalo ko naman ang mango at orange though hindi ko parin naman siya tinamisan.
I went back to the office at naabutan si sir at Luz na masinsinang nag-uusap. Ano kaya ang pinag uusapan nila?
"Eto na po yung juice nyo." Inilapag ko lang saglit ang baso sa table ni sir at tsaka umikot para umupo sa katabing upuan ni Luz. Kinuha ni sir ang baso at inilang lagok lang iyon at tsaka muling inilapag sa mesa ang wala ng lamang baso.
Napansin kong medyo napa-pout si Luz.
"By the way, Ms. Vinicio, si Ms. Emran na ang mag-e-escort sayo sa finance department. Hanggat wala pang bakanteng posisyon, doon muna kita ilalagay since they need more people. Is that okay with you."
"Yes sir."
"Good. That's all, you may go."
Tumayo na kaming dalawa ni Luz. Malapit na kami sa may pinto when I heard him call my name.
"Umm ... Ms. Vinicio?"
Muli akong humarap. "Yes sir?"
Bumuka ang bibig nito ngunit agad ding sumara. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi.
"N-nothing."
Nag-iwas ito ng tingin at aligagang nagpalipat lipat ang tingin. Huh? Problema niya?
Pagkalabas na pagkalabas namin sa opisina ni Mr. Sobremonte, agad akong nakatanggap ng isang mahinang hampas sa braso mula kay Luz.
"Aray bakit?"
"Nakakainis ka alam mo yun?"
"Ano na namang ginawa ko?" Hindi naman ito mukhang galit. Mukha itong batang nagtatampo sa kaka-pout nito.
"Bakit ganon, pag ako kelangan pa mag-effort makapasok lang sa loob tapos ikaw pinapatawag pa?" Medyo nakakaagaw na kami ng pansin ng ibang empleyadong nakakasalubong namin. Ang daldal naman kasi ni Luz! "Tapos yung sa juice kanina, sa tuwing ako gumagawa non, isa, dalawa tatlong sipsip lang ginagawa niya. Swerte ko na kapag napangalahati niya tapos yung sayo ... uwaaa! Nilagok na bottoms up pa?! Unfair!"
Bakit niya ba bini-big deal yun? Ano namang kinalaman ko dun?
"
"Hindi naman big deal yun. Wag mo ng isipin."
Nang makarating kami sa finance department. Everyone's attention is on us.
"Sino yan?"
"Ewan ko. Baka bago at dito na-assign."
"Wag kang lalapit sa dalawang dalahira na yan Shiinel." Tinuro niya yung dalawang nagsalita kanina "Im warning you, naka-fishtail na mga sungay nyan sa sobrang haba."
Tinanguan ko na lang siya though I doubt it kung tunay ngang maiiwasan ko yung dalawa. Hindi naman masamang sumunod sa paalala but it will be rude kung iiwas ako gayong wala naman silang ginagawa.
Lumapit kami sa head at nagpakilala. Tumango lang ito at sinabing ini-expect niya na rin daw ang pagdating ko.
"Everyone, this is Shiinel Vinicio and from now on makakasama nyo na siya dito. Be nice to her." Pakilala sa akin ng head.
"Ayown! Sa wakas may makakasama na rin akong tao!"
"Excuse me?" React nong dalawa.
"Oh sige daan na." Pabirong sabi ng lalaki na binuntutan pa nito ng nakakalokong tawa.
"Settle now everyone. Ms Vinicio, you can work on that area." Turo nito sa isang bakanteng cubicle.
"Thank you sir."
Nagpaalam lang ako kay Luz na umalis na din pagkatapos at tsaka pumunta sa designated working area ko.
"Hi." Mula sa pag-aayos ng gamit ay napaangat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses. I must say na marami talagang gwapo sa NAS.
"Hello."
"Im Gio Karl Mendez, nice to meet you Shiinel."
Kimi lang akong ngumiti at tsaka muling bumalik sa pag aayos.
Nick's Pov
Umaga pa lang pa lang pagpasok ko ay si Shiinel na agad ang pumasok sa isip ko. I've called Mrs. Santillan to inquire for any available placement. Halos pumalakpak ako sa tuwa ng sinabi nitong kailangan daw ng finance department ng assistance. I think Shiinel fits the job.
Ngayon na nakita ko na ulet siya, hindi ko na siya pakakawalan pa. There's no way in hell na hahayaan ko ulet siyang mawala sa paningin ko and wait for another seven years. Just no way.
For now, I can't say kung ano nga ba ang nararamdaman ko towards her, but I'll be stupid kung sasabihin kong wala. Hindi ko masasabing mahal ko siya because that's just too fast. Hindi ko pa alam kung ano ba tong nararamdaman ko para sa kanya. I'm still sorting out my feelings at hanggat hindi ko pa nalalaman yun, i'm keeping her.
"Sir pinatawag mo po ako?"
"Yes Ms. Emran. So how's Ms. Vinicio doing right now?"
Napakamot ito ng batok na parang nayayamot. Tsk tsk. Luz had been my secretary for the past two years at sa mga taong yun, kahit hindi ko siya madalas pinatatawag, napansin konf siya yung tipo ng tao na hindi marunong magkunwari. Kung ano yung nararamdaman niya, yun yung makikita mo sa mukha niya.
"Any problem Luz?"
"Eh pano sir, kanina nyo pa paulet ulet na tinatanong yan. Tatlong beses nyo na kong pinabababa sa finance department para lang i-check yung ginagawa niya. At sa pagkakatanda ko, pang sampung pasok ko na to dito sa office nyo. Naman sir eh, nakakapagod na kaya. Try nyo naman na kayo ang bumaba para malaman nyo kung gaano kahi---Oopss." Gulat itong napatingin sa akin. Takip nito ang bibig at nanlalaki ang mga mata."Uggh, ang bibig ko talaga kahit kelan! S-sir---"
I snap my finger and rose from my seat.
"Good idea."
"Ho?"
"I"ll be back."
Naglakad na ako palabas ng opisina at nilampasan si Luz na hindi parin makapaniwala.
Break time naman ngayon kaya hindi nakapagtataka ang paggala ko sa loob ng building. Though, its really rare for me to go outside my office.
Nang makarating ako sa finance department agad hinanap ng paningin ko si Shiinel. I gritted my teeth ng makita ko siyang nakikipag-usap sa isa sa mga lalaking employee. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila but a after a few step, I stopped on my track. And what the hell will I tell them? This is totally bullsh*t. Mas lalo pang nag-igting ang bagang ko when I see how Shiinel laugh with that guy. Fvck it! I'm a way much better from that jerk! Why not laugh with me instead?
Oh sh*t. I am really going nuts. I better stop this crap.
I turned around and traced my way back to my office, but not without taking another glance of Shiinel.
What is this feeling inside me that wanted to explode? Anong dahilan at parang gusto kong hilahin si Shiinel palayo sa kahit sinong lalaki at isigaw sa kanya na akin lang siya?! The feeling is strong and alien at kung hindi lang ako nahihiya para sa posisyon ko, baka naipagkanulo na ako ng nararamdaman ko.
Shiinel's Pov
"Hey ..."
"Oh ikaw pala Gio, pauwi ka na?" Medyo close na din kami nitong si Gio since siya yung nakasama ko kaninang break time. He's funny, jolly yet cool Plus the looks. Gwapo ito, matangkad, maganda ang pangangatawan na humahakab sa suot nitong long sleeve, paniguradong maraming nagkakagusto dito.
"Uhmm, hindi pa naman. By the way, Shii pwede ka bang imbitahan?"
"Saan naman?"
"We would like to go clubbing, have some drink, invade some dancefloor and get cool after. Wanna join?"
"H-huh? Hindi ako pwede eh. Next time na lang siguro?" Iniisip ko kasi si Rui. Malamang ay kanina pa yun nag aantay sa akin.
"C'mon Shii, welcome party namin to sayo. Para sa bagong anghel ng Finance department? Wag mo naman sana kaming tanggihan. Pleaasshh?" Nag pout pa ito sa harap ko na ikinatawa ko. Hindi talaga bagay sa kanya. He look so manly, and to see him pouting with his biceps bulging, just gross. No offense.
"Oo na, sige na." Natatawa ko pang sabi habang naiiling.
"Ayos! We're gonna party! Hooh!" Mabuti na lang at uwian na at wala ng tao sa loob maliban sa amin kung hindi ay baka napagalitan na itong si Gio dahil sa ingay niya.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap at parang batang nagtatalon habang yakap ako.
"The best ka talaga Shii!"
"Oo na, awat na. Ang OA ah." Natatawa parin talaga ako at tinapik tapik siya sa balikat. Who would ever imagine na sa ganon kaikling panahon ay naging malapit agad kami ni Gio? Oh well ganun talaga.
Inayos ko lang ang mga gamit ko at tsaka kami sabay na naglakad palabas ng building.
Ang sabi ni Gio ay nauna na daw ang mga kasamahan namin doon sa bar na pupuntahan namin. Kasama pa nga daw doon si Luz na siguradong nagwawala na ngayon dahil kasama nito ang dalawang babaeng kinaiinisan nito.
Nick's Pov
"Give me something hard."
"Yes sir."
Saglit lang ay laman na ng isang baso ang inuming hinihingi ko. Kinuha ko iyon at inisang lagok.
"One more."
Muli nitong sinalinan ang baso ko na inisang lagukan ko lang ulit. I ordered another one, then another and another till everthing became blurry and my system became dizzy. Sh*t! Hindi naman mababa ang alcohol tolerance ko kaya bakit agad ako nahilo. Di ko siguro namalayan at napadami na yung inom ko.
Bwisit naman kasing lalaki yun! How dare he cross my property?!
I clenched my fist ng maalala ko yung eksenang nadatnan ko kanina. Maaga akong umalis sa office para sana sunduin si Shiinel, kahit ano nang palusot ay sasabihin ko basta maisabay ko lang siya pauwi Pero nagulat ako ng makita ko siyang kayakap yung parehong empleyado na kausap nito kanina.
After that scene, I decided na dumiretso muna sa isa sa mga bar to relieved some stress, but end to be knock out.
Bago ko pa man maipikit ang mga mata ko sa pinagsamang antok at hilo na nararamdaman ko, I think I saw my dear Shiinel entered the door.
And now im imagining things.
Oh man. This is really not good.
*****
Gee❤️