Halos hindi na niya iwanan ng tingin ang anak niya. Alam niya at naniniwala siya na ano mang oras ay magigising ito. "Ejay, anak ko, alam kong malapit ka ng magising. Hihintayin kita," ngiting kausap niya rito. Pero ilang sandali lang ay unti-unti nang bumubukas ang mga mata niya. Mabilis niyang naitakip ang isang kamay sa bibig dahil sa pagkabigla. "Anak, sandali lang, ha?" At mabilis siyang tumakbo para lumabas at tawagin ang doktor. Humahangos naman ang mga ito. Nang makabalik sila sa may ICU ay nakabukas na ang mga mata ni Ejay at nakatingin sa paligid. "Diyos ko!" Mabilis naman itong sinuri ng doktor. Ilang minuto lang ay natapos na ito at nilapitan siya. "Everything is looking fine, pero kailangan pa niyang manatili rito for atleast 24 hours para masuri bago dalhin sa regul

