Pinauwi muna niya si Raymundo para nakapagpahinga dahil bawal dito ang magpuyat dahil na rin sa highblood pressure nito. Siya naman ay matiyaga lang na nakabantay sa may ICU, ayaw niyang iwanan ang anak niya dahil hindi rin siya mapapanatag. Halos katutulog lang niya nang maramdaman niya ang bulto ng isang tao. Nang tignan niya ito ay kitang-kita niya ang seryosong mukha ni Ethan habang nakatingin kay Ejay. "Why you didn't tell me?" seryoso pero mahinang tanong ni Ethan sa kan'ya nang hindi man lang siya nililingon. Hindi siya nakasagot sa biglaang tanong nito. "Tinanggalan mo ako ng karapatan ng walang kalaban-laban," matigas pa rin na sabi nito. "Hinabol kita noon pero wala--" "I am interested in the past. Ang gusto kong malaman ay kung bakit hindi mo sinabi sa akin nang muli

