Kahit nanghihina dala ng mga sugat sa katawan at mga dugong nawala sa kan'ya ay mabilis siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower. Halos isang oras yata ang itinagal niya sa ilalim ng tubig bago tuluyang lumabas ng banyo. Kailangan niyang makabalik ng hospital. Kailangan niyang malaman ang kalagayan ni Ejay. Halos alas-sais na iyon ng gabi. Mabilis siyang nagpunta ng hospital gamit ang motor niya. Nang makarating doon ay kita niya sa may labas ng ICU ang daddy niya at si Lana na malungkot na nakasilip sa bintanang salamin doon. "K-Kumusta si Ejay?" seryosong tanong niya na nagpalingon sa dalawa. Nang makita siya ni Lana ay nanggagalaiti ito sa galit. "Anong ginagawa mo rito?! Umalis ka rito!" Sigaw nito sa kan'ya at akmang susugurin siya nang awatin ito ng daddy niya. "Calm d

