Matagal siyang natigilan bago tuluyang sumagot. "Let's not talk about her," iwas niya rito. "You still love her," seryosong titig naman nito sa kan'ya. "No, I don't," tanggi niya. "Liar," sabay ngiti nito ng mapait. "You don't need to hide it Ethan, I'ved already known you for so long," sita pa nito sa kan'ya. Malalim naman siyang napabuntong-hingi bago tuluyang tumango. "Yes, you are right. I still love her, pero natatakot ako Pia," amin niya rito. "Natatakot saan?" takang tanong nito. "What if, she doesn't love me anymore? Paano kung iwan niya lang ako ulit? Paano kung saktan niya lang ako ulit?" malungkot na sabi niya rito. "Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan?" Mabilis naman siyang umiling. "She still needs to learn her lessons, kailangan niya munang makabawi

