Nang matapos maligo ay binuksan na muna niya ang laptop niya para tignan ang mga emails niya. Dalawang linggo na rin kasi siyang hindi nakakapasok sa opisina. Mas gusto niya muna kasing matutukan ang anak niya. Dahil naging busy siya sa pagtipa sa laptop niya ay hindi niya namalayan na alas-siyete na pala ng gabi. Napalingon siya sa may pintuan nang makarinig ng mahihinang katok. Bigla tuloy siyang kinabahan dahil naalala niya ang sinabi sa kan'ya ni Ethan. "Sino iyan?" tanong niya. Pero hindi ito sumasagot at patuloy pa rin sa pagkatok. Nang buksan niya ang pinto ay ang nakangising mukha ni Ethan ang nabungaran niya. "Mommy!" Halos mapatalon naman siya sa gulat dahil hindi niya namalayan na kasama nito ang anak niya. "Mommy? Are you scared? Bakit po mukha kayong nakakita ng gho

