Mabilis pang lumipas ang ilang linggo at ito ang araw ng pag-alis nila papunta ng Singapore. Isinasama niya si Raymundo pero tumanggi ito dahil masakit daw ang paa nito. Nakapagpaalam na rin sila sa doktor ni Ejay at pumayag naman ito. Masayang-masaya ang anak niya sa una nitong pagsakay sa eroplano. Ang buong akala nga niya ay matatakot ito pero mukhang tuwang-tuwa pa ito. Sa isang 5 star hotel sa may Marina Bay nila napiling mag-stay para mas malapit sa mga pasyalan. Isang deluxe room ang kinuha nila na may dalawang king size bed. Nang makarating doon ay ala-una na ng hapon kaya naisipan na muna nilang kumain sa may hotel. "Mommy, mas masaya sana kung kasama natin si daddy," malungkot na sabi ni Ejay. Bigla naman silang nagkatingan ni Ethan. "Uhm, Ejay? Hindi ka ba masaya na

