5 years later. "Ray, heto nga pala iyong mga gamot mo, ha? Naibilin ko na ito kay Manang Flor, ihahatid ko lang si Ejay sa school pagkatapos ay didiretso na ako sa opisina." Bilin niya sa asawang si Raymundo pagkatapos ay mabilis itong binigyan nang mabilis na halik sa may noo bago tuluyang magpaalam. "Goodbye, daddy!" Bibong ngiti ng anak niya sabay halik din sa isang pisngi ni Raymundo pagkatapos ay masaya na itong lumapit sa kan'ya. Mabilis naman niyang hinawakan ang isang kamay nito. Ihahatid niya kasi ito sa pribadong eskwelahan nito. Nasa daycare na kasi ito ngayon. Mabilis itong umupo sa may frontseat habang masayang hawak-hawak ang tablet nito. Siya naman ay umupo na sa may harapan ng manibela. Nang buksan ng isang katulong ang gate ay mabilis na rin niyang binuhay ang makina

