Nagmadali siyang bumalik sa bahay nila para magpalit ng damit at para makabalik na rin sa ospital. Halos tatlumpung minuto lang ang itinagal niya at mabilis na nakabalik sa ospital. Pero nagulat siya sa bigla niyang nadatnan. Ang Ate Lorah niya ay naroroon habang tahimik na umiiyak. "Ate?" mahinang tawag niya rito. Mabilis naman itong napalingon sa kan'ya at mabilis na napatayo, pero nagulat siya nang makita ang malaking tiyan nito. "Lana!" Tawag nito sa kan'ya at mabilis siyang nilapitan para yakapin. "Lana, miss na miss na kita. Miss na miss ko na kayo!" hagulgol na sabi nito sa kan'ya. "Miss na miss ka na rin namin, ate. Kumusta ka na?" tanong niya rito. "Heto, buntis," malungkot na sabi nito. "Nag-asawa ka na pala, ate?" gulat na tanong niya rito. Malungkot naman itong ngumit

