Pikit mata siyang tumayo at nagpaalam sa tatay niya na may aasikasuhin lang. Handa siyang lunukin ang pride niya para sa ikaliligtas ng buhay ng tatay niya. Nang ganap na makalabas sa hospital ay alas-onse na ng gabi. Nang tumingin siya sa langit ay mukhang babagsak ang malakas na ulan pero wala siyang pakialam. Mabilis siyang sumakay sa huling buyahe ng jeep. Saktong pagbaba niya ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mabilis siyang naglakad-takbo at tiyak ang lugar na pupuntahan. Basang-basa siya nang makarating sa harapan ng apartment na tinutuluyan ni Ethan. Ilang beses muna siyang napapikit at lumunok bago tuluyang kumatok. Pero halos nakakailang katok na siya pero walang sumasagot sa kan'ya. Naghintay pa siya ng ilan pang minuto pero wala talagang nagbubukas ng pintuan. Nanghihina

