Namili siya ng groceries para kay Benedikt. Puro take out at delivery lang ang madalas nitong kainin. Feeling niya ay asawa na siya ni Benedikt. Siyempre wala naman ito nagte-take advantage sa kanya habang nasa bahay siya nito. Nang sumunod na araw ay di na sila magkatabi sa guestroom. Payapa na rin siyang nakatulog sa kabila ng mga nangyari nang nakaraang araw – ang komprontasyon nilang mag-ina kay Santina pati ang paghaharap ng mga magulang niya. Siguro dahil alam niyang kahit anong mangyari ay nariyan si Benedikt. Hindi ito mawawala sa tabi niya kahit na anong mangyari. At bilang pasasalamat ay gusto niyang pagsilbihan ito. Parang training na niya ito bilang future Mrs. Benedikt Valenciaga. Oras na maging mag-asawa na sila ay titiyakin niyang luto niya ang matitikman nito. Naka-enco

